Account protection/tl

From xat wiki
Jump to: navigation, search
This page is a translated version of the page Account protection and the translation is 100% complete.

Other languages:
العربية • ‎български • ‎bosanski • ‎dansk • ‎Deutsch • ‎English • ‎español • ‎français • ‎magyar • ‎italiano • ‎Nederlands • ‎polski • ‎português do Brasil • ‎română • ‎српски / srpski • ‎srpski (latinica)‎ • ‎svenska • ‎ไทย • ‎Tagalog • ‎Türkçe

Ang artikulong ito ay magbibigay ng impormasyon tungkol sa iba't ibang mga setting ng seguridad sa xat at kung paano ito gumagana. Bagaman ang mga setting ng seguridad ay maaaring dagdagan ang seguridad sa iyong account, hindi ka dapat dito umasa ng lubos. Mayroon din kaming iba pang mga seguridad na gabay na pwede mo ring suriin.

IMPORTANTE: ang xat staff o volunteers ay kailanma'y hinding-hindi hihilingin na patayin ang account locking o kahit anong seguridad na tampok. Kung may magsasabi sa iyo na patayin ang iyong account locking, ay maaaring sinusubukang i-access ang iyong account at nakawin ang iyong mga xats/days/powers.

5 araw na hold

Kung matutuklasan ng xat ang anumang anumalya sa iyong account at pagsuspetsahan ang phishing sa iyong account, ito ay maaaring ma-block mula sa pagpapadala ng 5 araw. Binibigyan ka nito ng sapat na oras upang ayusin ang problema, at huwag hayaan ang mga Phishers mula sa pagkuha ng iyong mga xats o days. Hindi ito maaaring made-aktibo at mabisa sa lahat ng accounts.

Proteksyon ng Account

Ang opsyon ay nakabukas sa lahat ng xat account ng mga gumagamit bilang default, at bagamat ay pwede itong alisin sa pahina ng login. Kung mapansin ng xat na nag-login ang gumagamit sa ibang lokasyon, ay kinakailangang gumamit ng espesyal na link na ibibigay sa iyong email kung saan mo ginawa ang iyong xat account.

Ang sistemang ito ang inilagay upang maiwasan ang mga hindi awtorisadong tao na magkaroon ng access sa iyong account. Ang espesyal na link ay nagbabago sa bawat pag login mo, kaya hindi mo kinakaialangang i-save ang mga ito. Kung ikaw ay random na nakatanggap ng login link sa pamamagitan ng e-mail nang hindi ka natangkang mag login, dapat mong palitan kaagad ang password ng iyong account.

Tandaan, bago ide-aktibo ang setting na ito, magkakaroon ng 3 day hold sa iyong account kung ito ay idini-aktibo mo.

Account Aucthentication

Para sa mas maayos na sistema ng proteksyon, ang xat ay isinama ang Google Authentication. Ang authentication ay hindi aktibo bilang default at kinakailangang mano-manong paganahin ng mga gumagamit. Ang Google Authenticator ay mag bibigay ng mga random codes na magbibigay access sa iyong account. Upang mahikayat ang mga gumagamit na gamitin ang setting at maprotektahan ang kanilang account, ito ay ginawang kailangan para sa Tickle power.

Tignan ang Authentication na artikulo para sa karagdagang impormasyon sa tampok na ito.

Account Locking

Kung pinagana ang opsyon na ito, haharangin ng xat ang sino mang magtatangkang mag login sa iyong account na hindi galing sa lokasyon ng iyong bahay. Maaari ka lamang mag login sa lokasyon ng iyong bahay, kahit anong mangyari. Upang mapagana ang setting, kinakailangang ikaw ay nasa lokasyon ng iyong bahay. Kung lumipat ka ng lokasyon o nag palit ng internet service provider (ISP) dahil ikay ay nagrehistro, kinakailangang humiling ng location update sa pamamagitan ng ticket.

Mga Kadalasang Tinatanong

T. Ano ang mangyayari kung ako ay may account locking na naka-on at sinusubukan kong mag-login sa ibang computer sa ibang lugar?

Hindi ka makakapag-login sa iyong account. Siguraduhing isara ang account locking kung plano mong maglakbay o lumipat.

T. Papaano kung mayroon akong dynamic IP, maaari pa rin ba akong ma-login sa aking account kahit nakabukas ang account locking? Maa-adjust ba ito sa aking dynamic IP?

May iilang mga kaso, ang account locking ay hindi gumagana sa dynamic IPs. Ito ay depende kung paano nakatalaga ang iyong dynamic IP. Inirerekomenda namin na huwag gumamit ng account locking kung ika'y mayroong dynamic IP.

T. Ako ay na locked out! Ano na ngayon?

Pumunta sa https://xat.com/ticket at magbukas ng ticket gamit ang "Help Topic" na nakaatalaga sa "Locked Out". Para sa mas detalyadong pagtuturo kung papaano ito gagawin, tignan ang Locked out na gabay.

T. Kung mayroon akong laptop, maaari ko pa rin bang iwan na naka logged in?

Ang Account Locking ay nakadepende kung saan ang lokasyon mo. Kung dinala mo ang iyong laptop o ibang device sa ibang lokasyon at subukang buksan ang iyong account, ikaw ay mala-locked out.

T. Bakit hindi ko mabukas ang account locking?

Kung lumipat ka ng lokasyon matapos paganahin ang account locking sa iyong xat account, mag bukas ng ticket sa Help Topic na nakatalaga sa "Location Update".