Authentication

From xatwiki
Jump to: navigation, search
This page is a translated version of the page Authentication and the translation is 100% complete.

Shortcut:
Other languages:
العربية • ‎dansk • ‎Deutsch • ‎English • ‎español • ‎français • ‎magyar • ‎italiano • ‎Nederlands • ‎polski • ‎português do Brasil • ‎română • ‎српски / srpski • ‎ไทย • ‎Tagalog • ‎Türkçe

Kung mayroon kang iOS, Android, Windows o Blackberry phone, maaari mong iturn on ang Google Authenticator. Ito ay lubos na magpapahirap sa mga di otorisadong users na maacess ang iyong account.

Hindi ka dapat umasa sa Google Authenticator kung ang password ay madaling hulaan. Bumisita sa Phishing para sa karagdagang impormasyon.

Huwag mong ibahagi ang iyong token code sa iyong kaibigan o kahit kaninuman. Ang xat staff o volunteers ay hinding hindi ka tatanungin na patayin ang iyong Authentication. Kung mayroon mang magtanong sa iyo na patayin ang Authentication, sila ay nagbabalak na makakuha ng access sa iyong account at nakawin ang iyong xats, days , at/o powers.

I-SAVE ANG IMAHE NG IYONG BARCODE para ma-scan mo ito kinalaunan kung sakaling mawala mo ang iyong code.

Paano paganahin o huwag paganahin ang Google Authenticator

Account security options.

Pag-papagana

Upang paganahin ang authentication, pumunta sa login page, at mag-login. Pindutin ang ikatlong drop down na menu at buhayin ang authentication sa ON (authenticated). Ang pagpapagana na ito ay ididirekta ka sa pahina na may QR code. Maaari mong i-scan ang barcode sa pamamagitan ng pagpindot ng Scan a barcode na opsyon gamit ang Google Authenticator app o mga browser extension na matatagpuan sa ibaba. Dapat kang makatanggap ng 6 digit code na dapat mong ilagay sa Enter authenticator code na seksyon sa xat login. Ang authenticator application ay nagbibigay ng bagong 6 digit token code bawat 30 segundo. Siguraduhin na itsinek mo ang **Check to save token on this PC for 30 days.* Kung hindi ito naka-tsek, ito ay magtatanong ng panibagong authentication code tuwing ikaw ay magla-login sa iyong xat account.

Halimbawa ng QR code.

IMPORTANTE: Kapag iyong pinagana ang Google Authenticator, inirerekumendang i-print ang pahina kasama ang code na ibinigay sa iyo. Ito ay makakatulong maidagdag itong muli kung sakaling mawala ang authenticator code.

Hindi Pag-papagana

Upang huwag paganahin ang authentication, magpunta salogin pahina ng xat , at mag-login ng matagumpay. Piliin ang huling drop down na menu at ilagay ito sa OFF (hindi authenticated). Ito rin ay hindi magpapagana ng tickle na power.

Mga Madalas Itanong

Q. Nakakuha ako ng clock error

  • A. Mangyaring suriin ang orasan sa iyong device at siguraduhin na ang iyong oras ay naka-set ng tama. Kung ang problema ay nangyayari pa rin, i-scan muli ang bar code o kaya'y muling ilagay ang time based code.

Q. Hindi tama ang authenticator code.

  • A. Siguraduhin na ang oras sa iyong phone ay naka-set ng tama at ipasok ang token na naka-display sa iyong phone.

Q. Anong mangyayari kung mawala ko ang aking phone o mawalan ako ng access para ienter ang Token code?

  • A. Gumawa ng ticket sa http://xat.com/ticket sa ilalim ng Lost Auth" at humiling na gusto mong mareset ang iyong Token code.

Q. Nakakakuha ako ng "Kailangan ng login ang authenticator code."

  • A. I-tsek ang iyong device at ienter ang binigay na authenticator code sa aplikasyon.

Q. Kung magpapalit ako ng phone, paano ko mapapagana ito sa bago kong phone?

  • A. Kung magpapalit ka ng bago, kailangan mong gamitin ang pahina na iyong prinint out at idagdag muli ang QR code/time based code ng account sa application. Maaari mo ring patayin ang authenticator at buhaying muli at gumamit ng bagong code.

Q. Ang Google Authenticator codes ko ay hindi gumagana. (Android)

  • A. Ito ay marahil na ang oras sa iyong Google Authenticator app ay hindi naka-synced ng tama.
  • Upang tiyakin na mayroon kang tamang oras:

Sa Android:

  • 1. Pumunta sa pangunahing menu sa Google Authenticator app
  • 2. I-click ang Settings
  • 3. I-click ang Time correction for codes
  • 4. I-lick ang Sync now

Sa susunod na screen, ikaw ay magkukumpirma kung ang oras ay na-synced, at ikaw ay dapat ng makagamit ng iyong veripikasyong codes sa pag-login. Ang pagsi-synced ay eepekto lamang sa panloob na oras ng iyong Google Authenticator app, hindi ang isa sa iyong mga settings ng device.

Sa iOS:

  • 1. Pumunta sa setting ng app sa iPhone (sa setting area ng telepono)
  • 2. Piliin ang General
  • 3. Piliin ang Petsa & Oras
  • 4. Huwag paganahin ang Set Automatically na opsyon at paganahin itong muli
  • 5. I-reboot ang aparato

Mga Authenticator Applications

Ang support system para sa iOS, Android and Blackerry Application ay nakalista sa sumusunod na link: http://support.google.com/accounts/bin/answer.py?hl=en&answer=1066447 Habang sinusunod ang gabay na ito, gamitin ang code o QR code na binigay ng xat matapos mong i-enable ang google authenticator option dahil para ito sa iyong account sa xat.

Windows Phone app: https://www.microsoft.com/en-us/store/apps/authenticator/9wzdncrfj3rj

Windows 8/8.1/10 app: https://apps.microsoft.com/windows/en-us/app/google-authenticator/7ea6de74-dddb-47df-92cb-40afac4d38bb

Gumamit ng Authentication ng walang aplikasyon

Google Chrome: https://chrome.google.com/webstore/detail/gauth-authenticator/ilgcnhelpchnceeipipijaljkblbcobl

Firefox: https://5apps.com/gbraad/gauth

Ibang mga browsers: https://5apps.com/gbraad/gauth (gamitin ang web app)

Simpleng i-install ang extension/app at idagdag ang time based code sa extension at ito ay igegenerate ang mga authenrication codes para sa iyo upang mag-login.

Sa kaso ng ibang mga browser, kailangan mong i-load ang web app sa bawat oras na i-access mo ang iyong mga authenticator codes.

Ito ay inirerekomenda na gumamit ng authenticator sa iyong phone (i.e ang paggamit ng isang aplikasyon sa phone) kung posible bilang na ito ay mas ligtas.