Category:Macros/tl

From xat wiki
This page is a translated version of the page Category:Macros and the translation is 85% complete.
Outdated translations are marked like this.

Ang macro ay pinapayagan kang magtalaga ng mensahe sa isang pagpapaikli, upang maipadala mo ang mensahe ng mabilis sa paggamit ng pagpapaikli. Maaari mo ring gamitin ang isang macro upang baguhin ang isang tiyak na setting ng chat.

ANG MACRO NA MGA PANGALAN AY KASONG SENSITIBO.

Inirerekumenda namin ang paggamit ng lahat ng mga maliliit na titik para sa iyong mga pangalan ng macro, upang gawing mas madali ang mga bagay.

Mga Macro

Ang format ng paglikha ng macro ay bilang sumusunod: $macroName=Ito ang aking mensahe sa macro.

Upang magtakda ng macro, i-type ang: $rules=1. huwag mag-spam 2. huwag magpi-flame sa chatbox. Ito ay gagawa ng isang macro na pinangalanang mga patakaran. Ang mensahe ay itinalaga sa macro na ito ay 1. huwag mag-spam 2. huwag magpi.flame.

Pagkatapos magtakda ng macro, ang sistemang tulong ay magkokompirma sa pagsasabi ng $rules=1. huwag mag-spam 2. huwag magpi-flame.

Kung ang macro ay nakatakda na maaari ka na ngayon mahtype ng: $rules sa chat box at ito mapapalitan ng mga patakaran na iyong itinakda sa itaas.

Upang baguhin ang mga patakarang macro i-type mo ang $rules=1. huwag mag-spam 2. huwag mapi-flame 3. huwag hihiling ng mod.

Ngayon kapag nag-type ka $rules sa chat box ito ay mapapalitan ng iyong mga patakaran.

Upang burahin ang tipong macro: $rules= sa chatbox.

Upang tingnan ang lahat ng mga macro na iyong itinatalaga, i-type ang $= sa chatbox.

Listahan ng Macros sa loob ng Mga Setting ng Account

Macro Settings

Maaari mong pamahalaan ang iyong mga itinakdang macros, at lumikha din ng mga bago, sa iyong Mga Setting ng Account.

Upang ma-access ang mga setting na ito, i-click ang iyong pangalan sa chatbox, pagkatapos ay "Mga Setting" at pagkatapos ay ang tab na "Macros".

Upang lumikha ng macro dito, i-type ang pangalan ng iyong macro sa kahon na "Pangalan", hal.: rules. Pagkatapos ay i-type ang mensaheng gusto mong italaga sa kahon ng "Value", hal.: 1. no spam 2. no flaming. I-click ang "Idagdag" para i-save ang iyong mga setting. Maaari mo na ngayong i-type ang $rules sa chatbox at ito ay papalitan ng mga panuntunang itinakda mo.

Upang mag-edit ng macro na iyong itinakda, i-hover ang iyong cursor sa macro at i-click ang icon na lapis. Kapag na-edit na, i-click ang button na "I-edit" upang i-save ang iyong mga pagbabago.

Upang tanggalin ang isang macro na iyong itinakda, i-hover ang iyong cursor sa ibabaw ng macro at i-click ang icon na pulang krus.

Mga paggamit

Maaari kang magtalaga ng mga macro para sa kahit anumang layunin. Mga ilang halimbawa ay:

  • $fav=(d#r#loser#g) para sa mas madaling paggamit ng kustom na mga smiley, ngayon maaari ka nang mag-type lamang ng: $fav
  • $effect=g#bye para ibalik ang epekto na kung saan ay gusto mong gamitin, katulad nito: (redface#$effect)
  • $announce=Ngayong 7pm ay magkakaroon kami ng isang live radio show sa chat para sa parirala na gusto mong madalas sabihin

Pagbawas ng iyong lag sa xat

Currently, some of these macros may not be working properly or have been moved to Account Settings.

Kung nakakaranas ka ng lag, maaari mong gamitin ang mga macro na ito para i-disable ang ilang partikular na feature (upang i-on muli ang mga feature, i-type ang "on" sa halip na "off," o iwan lang blangko ang macro value pagkatapos ng equals sign):

  • $animate=off Pagde-aktibo sa animated na mga avatar.
  • $avatars=off Pagtatago ng mga avatar.
  • $blast=off - Pagtanggal ng mga animasyong blast.
  • $flix=off- Pig-deaktibo sa mga animasyong Flix.
  • $gback=off - Pagde-aktibo sa Gback.
  • $glitter=off - Pagtatago ng epektong glitter sa mga avatar.
  • $sanimate=off - Pagde-aktibo ng mga animasyong smiley.
  • $SetStatus=off - Pagtatago ng mga mensaheng status ng gumagamit.

Ang mga macro na ito ay maaaring gamitin sa makabuluhang pagbawas ng iyong lag sa pamamagitan ng pag-off ng iba't-ibang mga tampok ng xat. Ang mga macro na ito ay maaaring ihalo, o sa mas pagbawas ng lag sa isang user.

Power base sa mga Macro

Ang sumusunod na mga powers gumagamit ng mga macro upang i-toggle ang mga paggana.

Pages in category "Macros/tl"

The following 13 pages are in this category, out of 13 total.