Mga Commands

From xat wiki
Jump to: navigation, search
This page is a translated version of the page Commands and the translation is 100% complete.

Other languages:
Deutsch • ‎English • ‎Nederlands • ‎Tagalog • ‎Türkçe • ‎bosanski • ‎español • ‎français • ‎italiano • ‎magyar • ‎português do Brasil • ‎română • ‎ไทย

Contents

Ang xat ay mayroong espesyal na suporta sa "/" (slash) commands, na nagbibigay-daan para sa advanced na aksyon na hindi magagamit sa graphical user interface. Ilang commands ay maaari sa lahat ng tao sa chat, habang ang ibang commands naman ay kinakailangan ng isang tukoy na ranggo o kapangyarihan.

Default "/" na mga uto

Ang mga command na ito ay maaaring magamit ng kahit na sino sa kahit anong chat, bagaman minsan ay kinakailangan ng tiyak na ranggo.

/o - Mga epektong smiley

Maaaring gawin ang chat box ay awtomatikong magdagdag ng smiley effects sa lahat ng smilies na ipinapadala. Para magawa ito, i-type ang /o kasunod ang code ng effect na walang # senyas.

Halimbawa, kung gusto mong gawin ang smiley ay na naka mirrored at mayroong Mirror na kapangyarihan, ilagay ang /om sa chat box at ipadala lamang ito na parang mensahe. Maaari ring paghaluin ang effects. Halimbawa, /omis ay gagawing naka mirrored, inverted at hugis kuwadrado, hangga't mayroon ng mga kilanailangan na powers. Maaari ring ihalo ang kulay na effects. Halimbawa, /oFFFFFF ay gagawin ang smiley mo na puti.

Kung gustong alisin ang smiley effect na ginawa, i-type lamang ang /o sa chat.

/f - Idagdag bilang kaibigan gamit ang ID

Para madagdag ang kahit na sinong user sa iyong friends list kung ang mayroon lamang ay ang kanilang ID, i-type ang /f kasunod ang kanilang ID. Opsyonal, ay maaari kang magdagdag ng pangalan na gusto mong lumabas sa iyong listahan ng mga kaibigan.

Halimbawa, /f999999999 Abcd gusto mong i-add ang user na may ID na 999999999 sa iyong friends list na may pangalang "Abcd".

/t - Ignore sa user

I-type ang /t sa PC para makapag ignore ng user. Kung mayroon kang TTTH na kapangyarihan ay maaari ka rin mag padala ng full-screen smiley na may mensahe habang ikaw ay nag i-ignore.

Maaari ring gamitin ang parehas na command sa PC para alisin ang ignore sa user.

/- or /+ - Paggamit o hindi paggamit ng kapangyarihan

Ilagay ang /+pangalanngkapangyarihan para magamit ang kapangyarihan o /-pangalanngkapangyarihan para hindi magamit ang kapangyarihan.

Halimbawa, kung inilagay mo ay /-nopc sa chat, ito ay aalisin ang NoPC sa pagkakagamit.

/go - Paglipat sa chat at panibagong chat

Sa kahit anong chat maaaring magamit ang /go command para lumipat sa panibagong chat. Kinakailangan mo lamang kuhain ay ang pangalan ng grupo o and identification number nito.

Halimbawa, kung ang iyong inilagay ay /go xat5, ay ikaw ay magiging direktang makakapunta sa xat_test. Pag type ng /go xat_test ay parehas lamang.

Halimbawa 1. Pag set ng scroll message.

/s - Scroll message

Kung ikaw ay owner o main owner, maaaring mag lagay ng scroll message na makikita sa ilalim ng typing box sa pag type nito sa chat. (Tignan ang Halimbawa 1.)

Maaari mong, halimbawa, i-type:

  • /sWelcome sa aking chat. Mangyaring mag behave o ikaw ay maba-ban.

Maaring palitan ang kulay sa pagdagdag ng color code, Halimbawa, ilagay ang #FF0000 sa pinakahuling mensahe para ito'y maging pula:

  • /sWelcome sa aking chat. Mangyaring mag behave o ikaw ay maba-ban.#FF0000

/p - Protektahan ang iyong grupo sa mga mananalakay

Kung ang iyong chat ay sinasalakay, ang owner ay maaari itong protektahan sa pag type ng /p sa main chat. Sa loob ng 1 oras, bagong hindi nakarehistrong users ay kinakailangang lutasin ang captcha para makasali sa chat. Maaaring patayin ang protect mode sa pag type ng /p muli.

Tandaan: Mayroon itong 15-segundo pagka-antala pagkatapos mong i-toggle on and proteksyong mode o hindi paganahin ito at kapag i-toggle on at patayin ulit ito.

Kung ang /p ay hindi gumagana, maaaring gamitin ang mga paraang ito upang pag-igtingin ang proteksyon:

  • /pg o /p2 CAPTCHA para sa mga unregistered na users at pag-gag para sa mga bagong bisita sa loob ng 3 minuto.
  • /pc or /p3 CAPTCHA para sa lahat ng bisita
  • /pR O /p4 Gawin ang chat na pang rehistradong gumagamit lamang. magka-CAPTCHA ang lahat ng mga bisita.
  • /pr o /p5 Gawing ang chat na pang rehistratong gumagamit lamang ng walang CAPTCHA
  • /pm o /p6 Gawing ang chat na pang miyembro lamang

Ang pangunahing owner ng chat ay maaaring gumamit ng GControl na power upang baguhin ang default na durasyon ng mga oras at ang default na ranggo ng kung sino ang makakapagpagana ng proteksyong mode.

Tandaan:

  • Ang mga miyembro at pataas ay hindi kailangan kompletuhin ang CAPTCHA kapag pinagana ang proteksyong mode.
  • Huwag gumamit ng /pr habang ang iyong grupong chat ay naka-promo mailban na lang kung kinakailangan. Gamitin ang /p sa halip na (ang chat ay dapat bukas para sa lahat). Maaari mawala ang iyong promosyon sa paggamit ng /pr.

/i Impormasyon

Kung ikaw ay isang owner, maaari mong makita kung sino ang huling nagpalit ng scroll o kung sino ang naglagay ng proteksyong mode sa pagta-type ng /i sa pangunahing chat. Makakatanggap ka ng awtomatikong mensahe na may linya ng /s 1345634 /p 2365342, kung saan ay nagpapakita sa iyo ng mga IDs ng mga gumagamit na huling gumamit ng /s at /p na mga utos.

/m - Gawin ang gumagamit na moderator

Ang mga owner at mga pangunahing owner ay maaaring mag-type ng /m sa pribadong chat ng gumagamit upang gawin silang isang moderator.

Power "/" mga utos

Ilang kapangyarihan ay hinahayaan kang gumamit ng "/" mga utos. Tignan ang mga artikulo para sa karagdagang detalye.

/away - Wala sa chat

Magdagdag ng orasan sa iyong pawn para mapakita sa ibang users na ikaw ay wala sa chat. Tignan sa: Away.

/f - Palitan ang pangalan ng kaibigan

Palitan ang naka display na pangalan ng kaibigan. Tignan sa: Nick.

/g - Gawing bisita ang iyong sarili

Tignan nang higit pa: Guestself.

/h - Pansamantalang patigilin ang mga users sa pag chat

Magga-gagged sa lahat ng mga gumagamit ng tiyak ng ranggo ng sabay-sabay, para sa maximum ng 60 segundo. Ang utos na ito ay mayroong numero ng mga opsyong pasadya.

Ang default na ranggo upang gamitin ang utos na ito ay owner o pataas. Tingnan ang: Hush.

/hug - Mag padala ng hug

Ang ilang mga power ay maaaring may abilidad na magpadala ng mga animasyong hug. Bagaman ang pagpapasala ng isang hug sa pribadong chat ay libre at walang limitadong paggamit, ang pagpapadala ng hug sa pangunahing chat ay nagkakahalaga ng 10 xats kada hug, ang kabuuan ng 20 na mga hug ay maaaring maipadala sa loob ng 24 na oras. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang Hugs.

Tandaan:

  • Ang lahat ng mga hug ay maaaring may kasamang opsyonal na mensahe pagkatapos ng hug na pangalan.
  • Ang mga mensaheng ito ay maaaring makulayan, halimbawa: /hug ny Happy New Year!#ff0000
  • /hug ay maaaring mapalitan ng /hugall, at /jinx kasama ang /jinxall para sa parehong mga animasyon. Pero laging alalahanin ang mga halaga!

/jinx - Magpadala ng jinx

Ang command na ito ay ginigamit upang magpadala ng mgajinx, kung saan nagbabago ang karanasan ng pagcha-chat ng target. Halimbawa, Ang Jumblejinx ay magju-jumble sa mensahe ng target.

Ang jinx na mga utos ay maaari lamang ipadala sa pribadong chat, at hindi sa pangunahing chat. Habang ang /jinx ay libre (pagji-jinx sa pribadong chat ng gumagamit lamang), /jinxall (pagji-jinx sa gumagamit sa pangunahing chat) ay nagkakahalaga ng 10 xats kada paggamit. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang Mga jinx.

Tandaan:

  • /jinx maaaring mapalitan ng /jinxall, pero, muli, alalahanin ang pagtaas ng mga halaga!
  • Hindi mo maji-jinx ang mas mataas na ranggo.

/ka - Sipain ang lahat ng bisita

Sipain ang lahat ng mga bisita, na may bilang ng mga opsyong pasadya.

Ang default na ranggo upang gamitin ang utos na ito ay moderator o pataas. Tingnan ang: Kickall.

/m - Gawing panandalian na moderator

I-promote ang mga bisita at mga miyembro bilang moderator para sa kahit haba ng durasyon ng oras, hanggang 24 oras.

Ang default na ranggo upang gamitin ang utos na ito ay owner o pataas. Tingnan ang: Tempmod.

/mb - Gawing panandalian na miyembro

I-promote ang mga bisita bilang miyembro para sa kahit haba ng durasyon ng oras, hanggang 24 oras.

Ang default na ranggo upang gamitin ang utos na ito ay moderator o pataas. Tingnan ang: Tempmem.

/mo - Gawing panandalian na may-ari

I-promote ang mga bisita, mga miyembro at mga moderator bilang owner para sa kahit haba ng durasyon ng oras, hanggang 24 oras.

Ang default na ranggo upang gamitin ang utos na ito ay pangunahing owner o pataas. Tingnan ang: Tempown.

/n - Mag-sinbin ng moderator

I-type ang utos na ito sa pribadong chat ng permanenteng moderator upang alisin ang abilidad nila bilang isang moderator, mula 26 segundo hanggang 24 oras. Ang utos na ito ay hindi gagana sa mga pansamantalang moderator.

Ang default na ranggo upang gamitin ang utos na ito ay owner o pataas. Tingnan ang: Sinbin.

/nb - Bigyan ang user ng tsapa

I-type ang utos na ito sa pribadong chat ng gumagamit upang bigyan sila ng tsapa. Parehong utos ay maaaring magamit upang tanggalin ito.

Ang default na ranggo upang gamitin ang utos na ito ay owner o pataas. Tingnan ang: Badge.

/r - Isara ang gumagamit sa tiyak na ranggo

Isara ang ranggo ng gumagamit, at hadlangan ito sa pagbabago ng iba hanggang sa ang pagsara ay matanggal.

Ang default na ranggo upang gamitin ang utos na ito ay owner o pataas. Tingnan ang: Ranklock.

/t - Kausapin ang kamay

I-type ang utos na ito sa pribadong chat ng gumagamit at baliwalain sila, na may opsyon ng higanteng smiley na nagpapakita sa kanilang chat kapag sila ay mag-PC sa iyo. Upang magdagdag ng smiley at mensahe, i-type ang /tMessage#smiley'.

Maaari mo ring subukan ito sa pagta-type ng /t sa pangunahing chat para maperpekta ang iyong mensahe at code. Tingnan ang: TTTH.

Debug "/" na mga utos

Sa mga debug na chat (ang mga chat na mayroong asul na 8ball sa klasikong itim na isa), mayroong ilang mga espesyal na mga utos na maaari mong gamitin. Maaari ka ring gumamit ng mga sumusunod na utos sa sarili mong chat kapag idagdag mo ang ?test sa hulihan ng iyong grupong URL.

Ang mga utos na ito ay parang pangkalahatang walang silbi. Gayunpaman, sila ay dating ginagamit ng mg admin upang gumawa at magsubok ng mga tampok.

Tandaan na anumang mga mensahe na naipadala ay ikaw lamang ang nakakita.

/debug - Tignan ang impormasyon sa debug

Ang default na /debug na command ay lalabas ng ilang teknikal na mga detalye tungkol sa chat; ang memorya ng paggamit; mga ilang mga frame kada segundo (FPS); ang karaniwang mga frame kada segundo (aFPS).

/debug clearlists - Mag.lilinis ng ilang na-cached na chat data

Kapag ginamit mo ang utos na ito, ang ilang mga na-cached na chat data ay malilinis. Ang pangunahing chat at listahan ng mga gumagamit ay malilinis, ikay ay madadagdag muli sa itaas ng listahan na walang cached na ranggo o relasyon. Ang data ay magsisimulang mag-cache mula dito, magdadagdag sa mga gumagamit sa listahan ng gumagamit kapag sila ay naka-sign in at magsisimulang mag-chat ulit.

/debug avs - Kontrolin ang effects sa avatar

Ang utos na ito ay magagamit upang kontrolin ang mga epektong avatar, kahalintulad ng $glitter macro. Gayunpaman, hindi tulad ng macro ang epektong ito ay hindi mapilit.

Gumamit ng /debug avs o /debug avs 0 upang ide-aktibo ang mga epektong avatar, at /debug avs 1 upang paganahin muli ito.

/debug cacheback - Tingnan ang SWFs na nag-load sa cache

Ang utos na ito ay naglalagay ng back sa kahit anong swfs (mga pawn, smiley, etc.) na nag-load sa cache. Gumamit ng /debug cacheback 1 upang paganahin ito.

/debug zappri/primary/shadow - Babaguhin ang koneksyong detalye ng chat

Ang tatlong mga utos na ito ay binabago ang lahat ng mga IP address na ang chat ay naka-konekta, pero parang walang epekto.

/debug gctrick - Magpadala ng gctrick Tulong na mensahe

Ang paggamit ng /debug gctrick 1 o kahit anong rehistro ay magdudulot sa chat na magpadala ng Tulong na mensahe na likod na may parehong utos na iyong ipinadala.

/debug smilietest - Sumubok ng iba't-ibang mga tipo ng smiley

Sumubok ng iba't-ibang mga tipo ng smiley gamit ang /debug smilietest 1 kung saan ang "1" ay maaaring mula sa mga sumusunod na mga numero:

  • 1 - Sumubok ng iba't-ibang mga smiley
  • 2 - Sumubok ng iba't-ibang mga kombinasyon ng smiley
  • 3 - Sumubok ng libreng mga smiley.

/debug fakemessage - Magpadala ng bilang ng mga mensahend dummy

Gamitin ang /debug fakemessage 1 kung saan ang "1" ay maaaring maging kahit anong numero ng hanggang 200, at ang numero ng lorem ipsum ay kukuha at mapo-post sa chat.

/debug avtest - Sumubok ng dalawang iba't-ibang mga vatar

Gamitin ang /debug avtest 1 at ikaw ay mag-uumpisang magpadala ng mga mensahe na may dalawang iba't-ibang mga avatar.

/debug graph - Tingnan ang mga graph sa impormasyong debug

Upang ang utos na ito ay gumana, kailangan mo munang may-type ng /debug. Sa sarili nito, ang graoh na utos ay may apat na mga opsyon:

  • 0 - Off.
  • 1 - Ang pahalang na linyang graph ay nagrerepresenta ng iyong memoryang paggamit.
  • 2 - Ang patindig na linyang graph ay nagrerepresenta ng iyong memoryang paggamit.
  • 3 - Pareho ng nasa itaas.
  • 4 - Ang patindig na linyang graph ay nagrerepresenta ng iyong mga frame kada segundo (FPS).

/debug msgcount - Nagbibilang ng iyong mga mensahe

I-type ang /debug msgcount 1 para sa chat na awtomatikong mag-umpisang magbilang ng iyong mga mensahe mula 1. Gamitin ang /debug msgcount off upang itigil ang pagbilang.

Maaari mo ring gamitin ang kahit anong numero sa halip ng 1 upang pumili ng alternatibong pag-umpisa na punto.

/debug fps - Nagbabago sa mga frame kada segundo (FPS) ng chat

Ang mas mataas na FPS, ang mas mabilis ang mga animasyon sa chat. Gamitin ang /debug fps 24 upang gawing ang chat ng mas mabilis ng doble.

Gamitin ang /debug fps 0 o /debug fps 12 upang bamalik sa normal.

/debug cache - Maglo-load ng isang hanay ng mga smiley sa iyong cache

I-type /debug cache at isang bungkos ng mga smiley (12x12 bilang default) ay mag-ooverlay sa chat. Maaari mong gamitin ang / debug cache 1 2, kung saan 1 ay ang bilis, at ang 2 ay bilang ng mga hilera. Ang pag-ulit ng utos ay hindi maglilinis ng mga nakaraang mga smiley.

Kinakailangang mong mag-refresh para ito ay mawala.

/debug nocache - Maglo-load ng mga smiley sa chat

Maaari mong gamitin ang utos na ito sa pamamagitan ng pagta-type /debug nocache 12 pty kung saan ang 12 ay ang numero ng mga hilera, at ang pty ay ang smiley. Ang pag-ulit ng utos ay hindi maglilinis ng mga nakaraang mga smiley.

Kinakailangang mag refresh para ito ay mawala.

/debug dp - Pagsusubok ng pagtatalaga ng mga grupong power

Gamitin ang /debug dp power 1 kung saan ang power ay ang pangalang power. Kapag mayroon kang power na ito, ito ay magbabalik ng Power unassigned ok na mensahe. Kung hindi man, ay magbabalik ito ng Power system error (db down) na mensahe.

Ito ay hindi talaga nagtatalaga ng power.

/debug bump - Subukan ang ingay ng bump

Ang utos na ito ay simpleng naglalaro ng tunog ng bump ay animasyon.

/debug stest - Pagsusubok ng smiley na mekanismo

Ang chat ay may nakakabit na mekanismong pagsusubok ng smiley na nakabukas sa paggamit ng utos na ito. Dapat mong patakbuhin ang chat swf sa isang lugar lamang, ilagay ang mga swf na smiley "C:\smilies\test\" at italaga ang mga pangalan sa macro $test tulad ng: "$stest=placeholder,smiley1,smiley2,smiley3", at pagkatapos at gamitin ang /debug stest na utos at mag-sign out at in.

Maaari mo na dapat magamit ang iyong mga pasadyang smiley.