Count

From xat wiki
Jump to: navigation, search
This page is a translated version of the page Count and the translation is 100% complete.

Other languages:
English • ‎Nederlands • ‎Tagalog • ‎Türkçe • ‎bosanski • ‎español • ‎français • ‎italiano • ‎magyar • ‎polski • ‎português do Brasil • ‎română • ‎العربية • ‎ไทย
count.png (COUNT) - Countdown para sa espesipikong petsa
  • Ang Count na power ay gumagamit ng MMDDYY na format para sa mga petsa:

Halimbawa, ika-15 ng Abril, 2016 ay gagamit bilang 041516. Kada buwan, araw at taon ay dapat na gumamit ng 2 mga numero. Kaya kung gusto mong gumamit ng buwan o araw ma may isang digit, magdagdag lamang ng 0 bago sa numero. Halimbawa, ika-2 ng Enero, 2016 ay gagamit bilang 010216.

  • Ang Count na power ay gumagamit rin ng 24-oras na orasang format.

Mga oras bago ang 1 P.M. ay karaniwang nakasulat na, pero may 0 sa unahan kaya ang mga oras ay tumatagal ng hanggang 2 espasyo. Halimbawa, 6:00 A.M. ay nakasulat ng 06:00, o sa HHMMSS ito ay magiging 060000. Para sa mga oras pagkatapos ng 12:59 PM, ang 12 ay idinagdag sa oras. Halimbawa, 6:99 PM ay nakasulat ng 18:00, o sa HHMMSS ito ay magiging 180000.

  • Ang maximum na bilang ng mga araw kung saan ay maididisple ay 99.

HIndi mo mabibilang sa petsa na mas higit sa 99 na mga araw ang layo.

  • Bawat count timer ay bumubilang ng eksaktong natitirang oras sa pagitan ng napiling petsa.

Halimbawa, kung ngayong araw ay ika-24 ng Pebrero, 2016, at ako ay gumawa ng countdown para sa mga araw hanggang ika-26 ng Pebrero, 2016, ito ay magbibilang ng 1 araw. Ito ay dahil mayroon lamang buong 1 araw sa espisipikong mga petsa. Mangyaring tandaan ito. Kung gusto ng bahagyang bilang ng mg araw sa halip, maaari mo lamang dagdagan ang petsa ng numero bilang 1, kung saan ito magbibilang sa petsa pagkatapos ng iyong orihinal na petsa.

  • Ang oras na natitira ay magiging iba para sa lahat, bilang ito ay nakabuo batay sa nakatakdang oras sa computer ng user. Samakatuwid, dalawang tao sa iba't-ibang mga timezone ay makakakita ng iba't-ibang mga natitirang oras.

Ang countdown na orasan ay nagpapakita ng oras na natitira hanggang sa espisipikadong petsa, halimbawa, New Years Day. Ito ay naglalaman ng mekanikong LED na istilo.

Paano gamitin

Para sa mabilis na pagbuo ng isang count na smiley code, tingnan ang: http://FEXBots.com/tools/count/

Upang mano-manong itakda ang countdown sa petsa (MMDDYY):

(count#d022916) gamitin ang "d" bilang natitirang araw hanggang 022916 (02/29/2016, ika-29 ng Febrero, 2016)

(count#h022916) gamitin ang h bilang mga oras

(count#m022916) gamitin ang m bilang mga nimuto

(count#m022916) gamitin ang s bilang mga segundo


hal. (count#d042216)araw (count#d042216)oras (count#d042216)minuto (count#d042216)segundo hanggang Earth Day!


Upang magtakda ng countdown sa petsa at oras, idagdag ang oras, minuto, at segundo na gusto mong magbilang. (MMDDYYHHMMSS):

Gamitin: 010516180000 para sa (01/05/16 18:00, ika-5 ng Enero, 2016 sa 6 P.M.)


Upang gumamit ng alternatibong LED na istilong digital, magdagdag lamang ng L bago ang petsa/oras na code:

(count#dl010116)mga araw hanggang New Years!


Upang magtakda ng nakapirming numero, magdagdag lamang ng F bago sa petsa/oras ng code:

(count#f42) ay laging magdidisple sa numerong 42.


Upang kulayan ang mga numero, maaari kang magdagdag ng kulay na code pagkatapos ng oras:

(count#f42#r) o (count#d010114#00ff00)

Parsa sa ibang mga epektong power, tulad ng invert o mirror, ang code ay maaaring idagdag sa katulad na paraan.