Open main menu

xat wiki β

Seguridad sa Email

This page is a translated version of the page Email Security and the translation is 100% complete.

Other languages:
العربية • ‎bosanski • ‎dansk • ‎English • ‎español • ‎français • ‎magyar • ‎italiano • ‎Nederlands • ‎polski • ‎português do Brasil • ‎română • ‎ไทย • ‎Tagalog • ‎Türkçe

Ang artikulong ito ay ipapakita sa iyo kung papaano maseguridad ang e-mail na nauugnay sa iyong xat account upang maiwasan ang simunan sa pagkakaroon ng access dito. Ang pahina ay sumasaklaw ng apat na pangunahing email provider: Gmail, Hotmail, iCloud at Yahoo Mail. Kung ang iyong e-mail provider ay hindi nakalista, kontakin sila at tanungin ang kanilang mga dagdag na tampok ng seguridad upang maprotektahan ang iyong account.

Kung ikaw ay bayad na user (kung nakabili ng xats) maaaring hilinging mag palit ng email sa pagbukas ng ticket.

Gmail

Protektahan ang iyong Google e-mail account sa pag papagana ng two-step verification, kung saan kabilang ang mga tampok tulad ng pag-verify sa telepono, authenticator app, back-up codes at seguridad na key.

Hotmail/Outlook

Hotmail/Outlook ay hinahayaan kang masegurida ang iyong email sa paggamit ng dalawang hakbang na verification. Bisitahin itong link para malaman nang higit pa.

iCloud/Me/Mac

Ang iCloud/Me/Mac na ngayon ay binibigyan ka ng abilidad na siguruhing ligtas ang iyong email sa dalawang hakbang na verification. Bisitahin itong link para matuto nang higit pa.

Yahoo Mail

Ang Yahoo! Mail ay nagbibigay daan sa iyo upang masigura ang email sa paggamit ng dalawang hakbang na authentication. Bisitahin itong link para matuto nang higit pa.

Babala: Hindi namin inirerekumenda ang Yahoo! email dahil sa isang pagbabago sa kanilang patakaran na nagbibigay daan sa Yahoo na muling ipamahagi ang iyong account kung sila ay hindi naging aktibo, o dahil sa katunayan na ang isang kamakailang data breach ay kumalat mula sa isang bilyong e-mail account. Ito ay isang malaking panganib sa seguridad. Mangyaring basahin ang higit pa sa Naked Security o CNN.