FAQ

From xat wiki
Jump to: navigation, search
This page is a translated version of the page Faq and the translation is 100% complete.

Other languages:
Deutsch • ‎English • ‎Nederlands • ‎Tagalog • ‎Türkçe • ‎bosanski • ‎dansk • ‎eesti • ‎español • ‎français • ‎italiano • ‎magyar • ‎polski • ‎português do Brasil • ‎română • ‎srpski (latinica)‎ • ‎suomi • ‎svenska • ‎српски / srpski • ‎العربية • ‎ไทย

Mga Kadalasang Katanungan

Paano ko papalitan ang aking pangalan, litrato at pangunahing pahina?

Upang palitan ang iyong pangalan, i-click ito sa taas ng listahan ng user sa kanang bahagi ng chat.

  • Ilagay ang pangalan na gusto mong gamitin (ang paggamit ng iyong tunay na pangalan ay hindi inirerekuminda).

Maaari kang magdagdag ng iyong personal na avatar kung saan sinasabi nito ang "Larawan" pagkatapos pindutin ang iyong pangalan.

  • Para magdagdag ng iyong imahe, mag upload ng litrato sa isang image hosting website. Ang Imgur ay isa rito, at ito'y gumagana sa iba't ibang mga browser.
  • Kunin ang direktang link ng imahe na iyong na-upload at ilagay ito sa lugar na nagsasabing Larawan: (I-click ang iyong pangalan upang makita ang larawang patlang) pagkatapos ay pindutin ang OK.

Upang magdagdag ng bahay pahina, ipasok ang URL sa ibaba ng lugar para sa avatar, kasunod mismo ng 'house' icon.

Paano makakakuha ng sarili kong chat?

Para makagawa ng sarili mong chat box pindutin ito. Para makagawa ng sarili mong grupong chat, pindutin ito. (Tignan ang Grupo na artikulo para sa mga pagkakaiba ng dalawa.)

Maaari ko bang burahin ang aking grupo?

Hindi mo maaaring burahin ang grupo na iyong nagawa. Ang tanging magagawa mo lamang ay ang i-reset ito, gawing pang-miyembro lamang at palitan ang password. Kung mapabayaan ito sa loob ng 90 na araw o mas mahaba pang panahon, ito ay pwedeng makuha at mabili ng ibang user. Kung mayroon kang chatbox at ito ay embedded sa site na iyong pagmamay-ari, pwede mong alisin ito sa pamamagitan ng pagbura ng HTML code.

Pwede ko bang palitan ang pangalan ng aking grupo?

Sa kasamaang palad, hindi mo maaaring palitan ang pangalan ng iyong grupong chat. Gayunpaman, maaari mong palitan ang kapitalisasyon ng pangalan ng iyong grupo. Upang gawin ito, i-click ang Edit na buton sa kanang bahagi na pahina ng iyong grupo, ilagay ang password, at i-edit ang Group Name. Kung hindi, maaari kang gumawa ng bagong grupo. Upang gumawa ng bagong grupong chat, i-click ang dito.

Paano ko mahahanap ang ibang tao para makipag chat?

Tignan ang mga naka-promote na grupo sa bahay pahina ng xat.com. Bisitahin ang http://xat.com/groups o i-click ang tab ng grupong chat. Para sa opisyal na mga chats, tingnan ang dito.

Mayroon bang bagay na hindi ko pa nalalaman?

Ano ang mga xats/days?

Ang xats ay ang opisyal na pera sa xat.com. Para makabili nito, pindutin ang "get xats" na link sa linya ng mga smiley. Ang Days naman ay kung gaano ka katagal naka-subscribe, na nagpapagana sa mga smilies sa iyong avatar, glitter effect, at naghihintulot sa iyong gamitin ang iyong mga powers. Para sa karagdagang impormasyon tignan ang xats guide.

Ano ang mga powers?

Ang powers ay nagbibigay ng espesyal na abilidad sa chat. Kabilang dito ang pag-block ng pribadong chat sa mga taong hindi mo kilala, gawing ibang kulay ang iyong "pawn", o ang pag gamit ng mas madaming smilies at hugs. Para sa karagdagang impormasyon tignan ang Powers.

Paalala: Kailangan mo ng days para magamit ang mga powers.

Paano ako mananatiling ligtas sa online?

Pumunta sa Kaligtasan para sa karagdagang impormasyon kung papaano maging ligtas sa online.

Ano ang ibig sabihin ng mga kulay sa listahan ng mga bisita at kaibigan?

Para sa buong listahan ng kulay ng mga pawn, maaari kang sumanggani sa Users Guide.

Paalala: Ang ilan sa mga koloradong pawn na ito ay Powers, at kinakailangang bilhin. Maaari mong makuha ang mga powers na ito dito.

Ano ang mga sumbrero sa pawns ng ilang users at papaano ko ito makukuha?

Maari kang makakuha ng sumbrero sa pamamagitan ng pagbili ng Hat, isa sa mga Powers. Para makabili ng Hat at iba pang mga powers, pindutin ang dito. Maaari kang gumamit ng iba't ibang uri ng mga sumbrero.

Halimbawa:

  • Para sa baseball cap, ilagay (hat#t) sa iyong pangalan. Para palitan ang kulay, magdagdag ng # at ilagay ang color code pagkatapos nito. Halimbawa, para gawing asul ang baseball cap, kinakailangan mo ng Blue power at itype (hat#t#b). Para sa purple na baseball cap, itype ang (hat#t#800080) o (hat#t#rrb). Hindi mo kailangan ng color powers para magamit ang hex color codes tulad ng #800080.
  • Para sa top hat, i-type ang (hat#a) sa iyong pangalan. Maaari mong ayusin ang kulay sa kaparehas na paraan ng iyong pag-ayos sa baseball cap.
  • Para sa maliit na itlog sa kaliwang bahagi ng iyong pawn, i-type ang (hat#e). Kung wala kang allpowers ang itlog ay magiging default black. Kung mayroon kang allpowers ito ay magkukulay gold. Maaari mong baguhin ang kulay sa anumang kulay na iyong nais, katulad sa ibang mga sombrero.
Paalala: Kung mayroon kang Allpowers na gamit at ang pawn mo ay kulay gintong itlog, hindi mo pwede itong kulayan depende na lang kung hindi mo gagamitin ang allpowers.
  • Kung tinype mo ang (hat#g), magkakaroon ka ng itim na regalo sa kaliwang bahagi ng iyong pawn. Maaari mong baguhin ang kulay sa ano mang gusto mo, katulad sa ibang mga sombrero.
Paalala: Maaari mo lang gamitin ang hat na ito kung nakatanggap ka kahit isang regalo, (hat#g) ay magiging itlog sa halip na karaniwang regalo.

Gaano karaming kaibigan ang kailangan kong idagdag?

Maari kang mag dagdag ng mga kaibigan mo hangga't sa gusto mo ngunit walang punto ang pagdadagdag ng lahat ng taong makita mo, tanging ang mga taong gusto mong makausap muli. Mas maraming kaibigan ang iyong i-a-add mas mahirap hanapin ang mga taong gusto mong makausap.

Pwede ko bang maalis lahat ang buong friends list ko nang sabay-sabay?

Sa kasamaang palad, hindi mo pwedeng alisin ang lahat ng nasa friend list mo ng sabay-sabay. Kailangan mong alisin sila isa-isa. Kung nanaisin mong gumawa ng bagong account, maari mo itong gawin at burahin ang iyong buong friend list. Kung gusto mong gumawa ng bagong account, mag right click sa chat at i-click ang settings, tapos i-click ang folder icon. Piliin ang "Deny" upang burahin ang laman na nakaimbak sa iyong computer ng xat, at i-click at isara. Pagkatapos ay mag-refresh sa pahina, at magkakaroon ka ng bagong ID. Maaari mong irehistro and ID na ito upang gumawa ng bagong account. Bumalik sa setting ng pagimbak at piliin ang Allow upang masiguro ng xat na mapapanatili kang naka-logged in sa iyong bagong account.

Paano ko maibabalik ang password ng aking xat account?

Pumunta sa xat login na pahina at i-click ang "Lost password" malapit sa taas.

Paano ko makukuha ang password ng aking xat group?

I-click ang "Edit" button sa bandang ibaba sa gawing kanan ng pahina, ilagay ang email sa pangalawang box sa susunod na pahina. Ang iyong password ay ie-email sa email na iyong ginamit nang gawin ang grupo.

Mangyaring tandaan na kapag ikaw ay humiling ng pansamantalang password, ang xat ay laging mage-email sa iyo ng parehong serial na password hanggang sa palitan mo ito ng iba.

Ano ang $tealth mode?

$tealth, o stealth, ay ang mga may-ari o pangunahing may-ari na naglagay ng $ (dollar sign) sa una ng kanilang pangalan. Nagmumuka silang mga bisita (Ang pawn ay kulay berde, at hindi sinasabing "May-ri" o "pangunahing May-ari"). Ang may-ari na nasa $tealth ay may kakayahang gamitin lahat ng aksyon nang hindi nilalantad ang kanilang ranggo. Ito ay perpekto sa pakikipag chat sa mga hinihinalang hindi sumusunod sa panuntunan at nakikita kung paano sila makipagusap sa mga user na hindi mods/may-ari.

Paalala na ang mga mods/may-ari ay maaring i-click ang iyong pangalan at makikitang hindi ka pwedeng ma sipa/banned etc. at alam na ikaw ay may-ari na nagpapanggap na bisita.

Paano kung ako'y naka locked out?

Kung ikaw ay na locked out dahil sa Account Locking, gumawa ng Ticket upang ito ay maresolba.

Ano ang ibig sabihin ng mga buton sa user list?

Ito ay tinatawag na mga "pools" sa paligid ng xat komunidad. Ang mga pools ay lumilitaw kapag ang iyong chat ay mayroon 60 o mas higit pa, para maiwasan na magkaron ng maraming users sa chat ng sabay-sabay.

  • Maaari ka rin magkaroon ng mga pools sa iyong chat sa pag bili at pagtalaga ng Banpool at Rankpool na mga powers.

Bakit hindi gumagana ang nameglow/ hat / bump na Power

Tiyakin na inilagay mo ito sa maliliit na titik. Ang (GLOW) ay hindi gumagana sa Nameglow, at ang (Hat#t) ay hindi rin gagana sa Hat, at ang (BUMP) ay hindi gagana sa Bump.

Paano kung mayroong lumalabag sa terms?

Kung ang user ay hindi sumusunod sa terms, pindutin ang kanilang imahe at i-click ang inappropriate sa taas. Kung ang chat ay hind sumunod sa terms, i-click ang Inapproriate sa baba sa gawing kanan. Huwag mag report ng user o grupo nang walang balidong rason!

  • Kung ikaw ay na-scammed, iulat ang user sa pamamagitan ng ticket sa halip.

Papaano ko maire-rest ang aking ID?

Nagpapakita kung paano kumuha ng bagong ID.

BAGO SUNDIN ANG MGA HAKBANG, SIGURADUHING ANG ID AY NAKAREHISTRO O HINDI MO NA MAAARING MAKUHA ULIT ITO!

Upang palitan ang iyong ID, mag-click sat chat box at i-click ang Settings.... Pagkatapos, i-click ang folder icon at italaga ang opsyon na Deny'. Mag-refresh sa pahina at mag-click muli sa chat. Sundin ang mga hakbang sa itaas pero sa pagkakataong ito italaga ang opsyon na Allow at magkakaroon ka ng bagong ID. Ito rin ay magaalis ng mga alternatibong user profile sa itaas ng user dialogo kapag i-click mo ang iyong pangalan.

Ano ang ginagawa ng pag po-promote?

Ang pag po-promote ng iyong chat ay nailalagay ito sa xat.com homepage, pati na rin ang "Widgets" at sa mga Group lists. Nag aakit ito ng madaming user papunta sa iyong grupo.

  • Tandaan kailangang sumunod sa mga alituntunin patungkol sa pag po-promote! Tignang ang Promotion para sa mga karagdagang impormasyon.

Upang mag-promote ng iyong grupo, tingnan ang [1].

Papaano kung ang gusto kong chat ay nakuha na?

Kung ang chat ay hindi aktibo ng 90 araw o higit pa (at hindi pa nabili dati), maaari mo itong bilhin dito.

Ang presyo ng isang chat group ay apektdo ng dalawang mga bagay:

Kalimitang mas mataas na presyo para sa mas karaniwang mga salita bilang pangalan ng chat.

Ang isang chat na mas mahabang naging hindi aktibo, ay mas mababa ang halaga na ito ay makuha.

Bakit mayroong minumum na limit ng 10 character para sa mga rehistradong pangalan?

Ang mga rehistritrdaong pangalan ay may karaniwang 10 karakter na minumum (18 max) upang payagang kang maging malikhain. Kung nais mo ng mas maikling pangalan, pumunta sa xat.com/name.

Ano ang opisyal na mga chats?

Tignan ang Chats na artikulo para sa mga karagdadang impormasyon tungkol sa mga opisyal na chats.

Paano ako makakahingi ng tulong sa mga iba pang dahilan?

Bumisita sa http://xat.com/help para sa live help. Kung ikaw ay paid user, maaari kang magbukas ng ticket sa http://xat.com/ticket.

Makabuluhang pagdiriwang ng mga anibersaryo sa xat?

  • Paglulunsad ng xat chats - ika 17 ng Setyembre
  • xatech - ika 20 ng Setyembre
  • Trade chat - ika 17 ng Enero
  • Ajuda chat - ika 28 ng Mayo