Live

From xat wiki
Jump to: navigation, search
This page is a translated version of the page Live and the translation is 100% complete.

Other languages:
Deutsch • ‎English • ‎Nederlands • ‎Tagalog • ‎Türkçe • ‎español • ‎français • ‎italiano • ‎magyar • ‎polski • ‎português do Brasil • ‎română • ‎srpski (latinica)‎ • ‎српски / srpski • ‎العربية • ‎ไทย

Para saan ito?

Ang xatLive ay isang kustom na tampok na pinapayagan na i-on ang iyong grupo bilang isang tagapanood na chat para sa mga online na mga pagdiriwang. Ito ay nagbibigay-daan sa madaling pamamahala ng chat sa mga malalaking numero [100,000s] ng mga tagapanood. Aplikasyon ay kinabibilan:

  • Palabas
  • Mga Debate
  • Pagpupulong
  • Lektura
  • Mga Reports
  • Live Blogging
  • Espesyal na okasyon
  • Pagtatanghal ng mga bisita
  • Mga tanong at kasagutan

Paano ito gumagana?

Ang mga Miyembro, Moderators, at Owners ay mga kasali sa chat gaya ng isang normal na chat. Ang mga bisita ang mga tagapanood na makakakita sa chat ngunit hindi direktang makakapagpaskil ng mensahe. Sila ay ipinapakita sa listahan ng mga user bilang mga dami ng tagapanood. Ang mga owners ang siyang nag-aaproba ng mga tanong at komento ng mga tagapanood.

Kapag iyong inilagay ang iyong xat box sa live mode, ang mga owners ay maaaring buksan at tignan ang live panel sa pamamagitan ng pagpindot ng live button (na pinapalitan ang group button sa ibabang kanan ng xat box). Kapag nagpala ang mga guests ng komento o mensahe, ito ay lalabas sa live panel. Ang icons sa mga mensahe ng guests ay naghihintulot sa owners na:

  • idagdag ang mensahe sa main chat upang makita ito ng iba pang kalahok at makapag-usap o makapagbigay-opinyon dito
  • gawing miyembro ang user, na maghihintulot sa kanila na maging kalahok (makipag-usap kahit walang pahintulot)
  • iban ang user upang hindi na makakita ng anumang ipapadalang mensahe nito sa chat
  • burahin ang mensaheng ipinadala

Pag-activate ng Live Mode

Kung ikaw ay isang main owner sa isang chat at nais upang paganahin ang live mode, mag-click sa Edit Your Chat sa tuktok ng "Sign Out"na buton at pagkatapos ay mag-click sa Extra Features sa kanang taas. Sa "Extra Chat Box Features" na seksyon, sa baba ng "Other Options", makikita mo ang box na nagsasabing "Live mode: 100,000s makikita ang chat bilang tagapanood". I-tsek ito at mag-click sa "Update these options" na butin sa ilalim ng pahina.

Tandaan: Ang xat Live ay hindi nirerekomenda sa karamihan ng mga chats dahil maaaring makita ito ng mga bisita bilang isang nakakabigong tampok kung hindi sila makakapagchat. Ito, gayunpaman, ay maaaring gamitin bilang ibang uri ng pang-miyembro lamang na chat. Maaari rin itong gamitin bilang isang proteksyon kung ang iyong chat ay nilulusob ng mga di kanais-nais na users.

Features

Kariwasaan ng Paggamit

  • Pamilyar at madaling unawain para sa user interface
  • May kasamang Flash kung kaya't hindi na kailangan magdownload pa para makita ang pangyayari
  • Ang mga bisita ay maaaring maging tagapanood at magpadala ng mensahe kahit hindi na gumawa ng account, username o password.

Pamamahala at Pagkontrol

  • Madaling pamamahala sa pamamagitan ng live panel
  • Ikaw ang bahala kung ano ang ilalabas sa iyong site o kung sino ang maglalabas ng mga mensahe.

Embeddable

  • Ang chat box ay madaling maembed para sa iyong owner site o blog
  • Maaari itong matanggal at ibalik sa iyong site kasing-dali ng isang linya ng teksto
  • Ito rin ay maaaring mabuksan sa xat.com page hal. http://xat.com/ghosthunters (tignan ang Groups)

Maaasahan at Masusukat

  • Ginawa sa mensaheng teknolohiya ng xat na kasalukuyang nagbibigay serbisyo sa milyon-milyong tao sa bawat buwan.