Music/tl

From xat wiki
Jump to: navigation, search
This page is a translated version of the page Music and the translation is 100% complete.

Other languages:
العربية • ‎English • ‎español • ‎français • ‎italiano • ‎Nederlands • ‎polski • ‎português do Brasil • ‎română • ‎Tagalog • ‎Türkçe
music.png (MUSIC) - Applikasyon ng Musika

Ang Music power ng xat ay may kasamang Music Application para gamitin sa (piano) smiley. Para gamitin, pindutin ang "Games", at iselek ang "Music". Sundin ang mga hakbang dito upang malaman kung paano ito gamitin.

Recording (tignan ang imahe)

Ang stars ang nagmamarka ng mga aksyon na inilalarawan sa kaliwa.

Sa unang seksyon (nakamarka ng pulang bituin), makikita mo ang Stop, Play, Record, at Learn na button. Ang Stop button ay naghihinto ng recording/playing, ang Play button ang siyang nagpeplay ng kantang iyong nirecord, ang Record button ay naghihintulot sa iyong irecord ang iyong kanta, at ang Learn button naman ang nagpapakita ng mga smilies na nahuhulog sa bawat nota kahit walang audio. Ito ay upang matuto kang magpatugtog ng kanta sa pamamagitan ng pagpindot ng keys sa tamang oras.

Sa pangalawang seksyon (na nakamarka ng asul na bituin), makikita ang mga smilies na nagpapakita kung anong mga nota ang iyong tinutugtog. Sa bawat key na iyong pipindutin, iginagalaw nito ang smilies paitaas habang ikaw ay nagrerecord.

Sa pangatlong seksyon (na nakamarka ng berdeng bituin), makikita ang piano na ginagamit sa pagrerecord. Pumindot ng alinmang note at ito ay tutugtog! Maaari mong gamitin ang parte sa itaas ng keyboard para iscroll ito pakaliwa at pakanan upang makagamit ng mas mataas o mas mababang nota.

  • Bonus! Maaari mo ring gamitin ang keyboard ng iyong computer upang magamit ang piano! Gamitin ang "asdfghjk" na mga keys upang tugtugin ang puting mga nota, "we tyu" para sa itim na nota, at "zxcv" para gamitin ang ibang seksyon sa keyboard.

Kung ikaw ay talentado maaari mong tugtugin ang mga nota gamit ang keyboard at mouse nang magkasabay! Mayroon bang kayang maglaro ng chopsticks dito?

Sa pang-apat na seksyon (na nakamarka ng dilaw na bituin), makikita ang box na mayroong piano code, na maihahalintulad sa Stick Power. Maaari mong ipaste ang tune codes dito na iyong naisave o nakuha saanman. Pindutin ang "Copy" upang kopayahin ito sa iyong clipboard, "Reset" para alisin lahat, at "Post" para ilagay ito sa kahon ng mga mensahe sa chat.

Posting

Kapag ikaw ay tapos na sa iyong kanta, maaari mo nang ilagay ang code sa chat. Ang sinumang may sounds na nakabuhay ay maririnig ito pwera na lamang kung buhay ang kanilang noaudies power (maaari pa rin nila itong pakinggan sa pamamagitan ng pagpindot dito). Pwede rin nilang pindutin ang (piano) smiley para pakinggang muli ito.

  • Note maaari kang gumamit ng kahit gaano karami sa isang mensahe, ngunit ang una lamang ang siyang tutugtog automatically. Kailangang pindutin ng mga users ang iba pang code para mapakinggan ang mga ito.
  • Ang mensahe ay mayroong 256 character limit kung kaya't siguraduhing hindi ka gumagawa ng napakahabang code para dito.
  • Maaari mong ilagay ito sa iyong pangalan ngunit ang iyong mga kaibigan ay kailangang pindutin pa ito upang mapakinggan. Hindi ito tutunog sa pictures.
  • Maaari mo ring gamitin ito hal $hal1, kung saan ang hug smiley ay naglalaro ng piano.

Future Features

Ang mga sumusunod ay listahan ng mga mungkahi para sa features na maaaring maidagdag dito.

  • Iba't ibang instrumento
  • Drum machine o Sequencer
  • Game mode kung saan mayroonh grupo ng tao na maaaring maglaban upang makita kung gaano sila kagaling maglaro (gaya ng Learn mode)

Mga smilies