Powers/tl
- Kailangan mong basahin at sumunod sa xat.com Alituntunin ng Serbisyo.
- Ang kapangyarihan ay gagana lamang kung ikaw ay subscriber (mayroong days).
- Ang kapangyarihan ay ginagawa at idinadagdag madalas (kadalasan ay lingo-lingo).
- Ang kapangyarihan ay maaaring mawala sa pagkakabenta (kaya magmadali na at kumuha na ng sayo!).
- Ang presyo ng kapangyarihan ay pabago-bago depende sa pangangailangan.
- Ang ibang users ay maaaring makita ang iyong kapangyarihan habang ikaw ay naka subscribed.
- Ang kapangyarihan ay isa-isang pwedeng bukas at patayin.
- Ang kapangyarihan ay maaaring ikalakal sa iba't ibang users.
- Ang kapangyarihan ay mananatiling sayo hanggang itrade mo sila (kahit maubos na ang iyong days).
- Pagkakaroon ng kahit isang kapangyarihan ay hinahayaan kang magamit ang (powers) na smiley.
- Kada isang kapangyarihan ay mayroong sariling smiley, ang tanging user na mayroon nito ang makakagamit ng smiley.
- Pakibasa ang paglalarawan sa kapangyarihan.
Group na kapangyarihan
Ang mga kapangyarihang ito ay hindi tulad ng regular na kapangyarihan - ito ay naa-aplika sa buong grupong chat.
Kapag ikaw ay bibili ng grupong power ay maaari mong magamit ang kanilang smiley, pero ang kapangyarihan ay hindi magiging aktibo o hindi magagamit hanggang hindi mo ito itinatalaga sa grupo at ang main owner ay kinakailangang panaganahin ito sa chat settings. Matuto nang higit pa tungkol sa mga kapangyarihan ng grupo at kung paano ito gumagana dito.
Magmungkahi ng bagong kapangyarihan
Kung mayroon kang ideya para sa bagong kapangyarihan na hindi pa nailalabas, pindutin dito at magpasa ng bagong thread kasama ang iyong mungkahi. Matuto nang higit pa kung paano mag mungkahi ng bagong kapangyarihan dito.
Bumili ng mga kapangyarihan
Maaaring gamitin ang iyong xats at days para makabili ng kapangyarihan sa xat. Para makabili ng xats at days, pindutin dito.
Ang kapangyarihan ay nagbibigay ng espesyal na tampok at/o smilies na maaaring magpahusay ng iyong karanasan sa chat. Ang pagkakaroon ng isa sa mga kapangyarihan ay magbibigay-daan para magamit o magkaroon ka ng bibihirang Emerald Pawn. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Emerald Pawn, tignan ang artikulo para sa EveryPower.
Listahan ng Kapangyarihan