Mga Profile

From xat wiki
Jump to: navigation, search
This page is a translated version of the page Profiles and the translation is 100% complete.

Other languages:
العربية • ‎bosanski • ‎dansk • ‎Deutsch • ‎English • ‎español • ‎français • ‎magyar • ‎italiano • ‎Nederlands • ‎polski • ‎português do Brasil • ‎română • ‎shqip • ‎српски / srpski • ‎srpski (latinica)‎ • ‎ไทย • ‎Tagalog • ‎Türkçe

Ang profile ay ang iyong pahina sa xat kung saan maaari kang maglagay ng impormasyon, mga litrato, mga widget, mga kanta at mga video. Ang gabay na ito ay tutulungan kang magtakda ng iyong profile.

Pag-tingin sa profile

Upang tumingin sa iyong profile, i-click ang iyong avatar. Upang tingnan ang profile ng isang tao, i-click ang kanilang avatar at ito ay lalabas ang kanilang profile. Dito ay iyong makikita kung ano ang mga sinabi ng user sa kanyang sarili.

Tandaan: Ang user ay dapat na nakarehistro upang magkaroon ng profile, kunf i-click mo ang avatar ng di-nakarehistrong user o magpunta sa profile ng di-nakarehistrong ID, ikaw ay mareredirect to sa pahinang profile ng di-rehistrado.

Maaari mo ring tignan ang profile ng isang user sa paggamit ng mga link na: xat.me/i=IDDITO or xat.me/USERNAMEDITO, halimbawa: xat.me/i=42 or xat.me/xat.

Karaniwang mga xat profile

Ang karaniwang mga xat profile ay ang profile na edited gamit ang mga pangunahing settings. Sa kaliwang bahagi ay magiging kanilang avatar, homepage, pangalan, at rehistradong pangalan, at sa kanang bahagi, ay makikita mo ang kanilang About Me na seksyon. Kung wala silang anumang nakasulat, ito ay nagsasabi ng P o ito ay blanko. Sa ibaba ay ang kanilang Media Box, kung saan makikita mo ang kanilang mga playlists, videos, chats, polls, o ano mang bagay na maaring idinagdag nila.

Advanced na mga xat profile

Ang advanced na mga xat profiles ay ang mga profiles na edited gamit ang CSS code na pinapayagan ang mas malawak na kustomasyon. Ang standard na CSS space ay 1240 bytes. Sa Me power, maaari kang magpalawak ng CSS code hanggang 20240 bytes na halos walang branding, pagpapalit ng lahat ng bagay na may maliit na planetang xat sa ibabang kaliwang sulok at isang pop-up menu. Mangyaring basahin ang CSS mga alituntunin bago magsimula.

Para sa isang generator na makakatulong sa iyo upang makalikha ng mga advanced na mga profile, click dito.

Pag-edit ng iyong profile

Para i-edit ang iyong profile, pumunta sa http://xat.com/web_gear/chat/editprofile.php at i-log in ang iyong rehistradong pangalan at password. Siguruhing ikaw ay nasa xat.com at hindi sa ibang site! Mula dito, makikita mo ang iba't ibang seksyon na maaari mong i-edit.

Pagpapalit ng mga Background at Outlines

Kapag nag-eedit ng iyong profile, ang unang kahon sa itaas ay magiging isang background box para sa iyo upang i-edit. Maari kang magpasok ng link sa isang imahe, o gamitin ang CSS Styling para sa karagdagang-mapahusay ang iyong larawan sa background. Para makakuha ng imahe, kinakailangang mag upload ng imahe sa isang image hosting site. Para makita ang mga image host na pwede, tignan ang Images. Pag tapos mag upload, kopyahin ang "Direct Link" sa box, at ilagay ang direct link sa Background box ng iyong profile. Maaari mo rin gawin ang "About Me" background na hiwalay sa iyong page background.

Para palitan ang Outline box, palitan ang outline width (gaano kalaki), at ang kulay (gumamit ng mga hex na kulay o pangalan ng kulay, halimbawa red o blue o #000000).

Tungkol sa Me Seksyon

Ang profile ng "Tungkol sa Akin" na seksyon ay mayroong WYSIWYG Editor na maaaring gamitin para sa mas madaling pag-eedit ng iyong profile. Para magamit ito, itsek ang "Gamitin ang WYSIWYG editing (beta)" na kahon, at pindutin ang Save Changes sa ilalim. Kapag nagreload na ang pahina, makikita mo ang WYSIWYG opsyons sa taas ng iyong profile box. Para malaman kung ano ang nagagawa ng bawat icon, itapat ang iyong mouse sa icon at ito ay maglalabas ng kung ano ang mangyayari pag clinick mo ito.

Picture Album

Para gamitin ang Picture Album, ilagay ang link ng iyong photobucket album. Tandaan na ang album ay dapat hindi manghingi ng password para i-enter, para hindi na ito mangailangan ng password, pindutin ang Account Options sa itaas ng kahit anong pahina ng photobucket (habang nakasign-in). Tapos mag-scroll pababa sa Album Settings, at siguruhing ang iyong album ay nakaset sa Publiko.

Kapag inilagay mo ang iyong photobucket link, ipapakita nito ang iyong buong album sa ilalim ng iyong About Me section ng iyong xatspace. Kahit sino ay maaaring makakita ng iyong mga litrato. Siguruhing wala kang kahit anong litrato sa album na hindi mo gustong makita ng xat! Kapag pinindot nila ang isang imahe, makikita nila ito sa fullscreen mode.

Media Box

Ang media box (na nasa ilalim ng Tungkol sa Me na kahon) ay binibigyan ka ng kakayahang maglagay ng buong kopya ng embeds o HTML na suporta. Kung mayroon kang mga ideya ukol sa mga bagay na maaaring idagdag, pumunta sa http://xat.com/web_gear/ at tignan ang mga bagay na maaari mong idagdag pa, na ginawa lahat ng xat.

Di Kanais-nais na mga Profile

Kung makakita ng profile na lumalabag sa Alituntunin na Serbisyo ng xat, o ang CSS guidelines, i-click ang "Inappropriate" na link sa taas ng pahina. Kung ang user ay gumagamit ng Me power, mag-hover sa xat logo at mag-click sa Inappropriate. Kung walang "Inappropriate" na buton, kopyahin ang link xat.com/web_gear/chat/inappropriateprofile.php?id=42 at palitan ng "42" na ID ng user. Ang iyong ulat ay maipapadala sa xat at maaaksyunan ng naangkop.

Panggagaya sa mga Artista

Ang mga profile na nanggagaya o namemeke ng mga artista ay tatanggalin dahil ito ay isang matinding paglabag sa aming terms of service. Gayunpaman, sinusuportahan ng xat ang "role-playing" at iba pang laro sa aming serbisyo, at ito ay dapat na "malinaw" na ilagay sa profile upang ang ibang mga users ay mabatid na hindi ikaw ang tunay na may pagkakakilanlan sa likod ng profile. Ito ay mahalaga upang mapanatiling ligtas at masaya ang aming serbisyo para sa lahat ng gumagamit nito. Ang mga profile na hindi sapat ang paglilinaw ay tatanggalin ayon sa aming mabuting pagpapasya.