Scams

From xat wiki
Jump to: navigation, search
This page is a translated version of the page Scams and the translation is 100% complete.

Other languages:
العربية • ‎dansk • ‎Deutsch • ‎English • ‎español • ‎français • ‎magyar • ‎italiano • ‎Nederlands • ‎polski • ‎português do Brasil • ‎română • ‎ไทย • ‎Tagalog • ‎Türkçe

Ang isang scam ay isang pagtatangka na magnakaw ng mga xat, mga adays ng subscription, mga powers, o mga account mula sa iyo. Ang pag-scam ay nagmumula sa maraming mga hugis at sukat ng mga scammers mismo. Sa ibaba, ipapakita namin sa iyo ang pinakasikat na mga pamamaraan sa pag-scam at kung ano ang gagawin kung ikaw ay ma-scam.

Pinaka-popular na pandaraya

Pagdodoble ng xats/days/powers

Sa ganitong sitwasyon, ang user ay susubukang kumbinsihin ka na kaya niyang doblehin ang iyong xats/days/powers at ang kailangan mo lamang gawin ay i-trade/transfer mo ito sa kanya. Madaming users ang na ii-scam gamit ang ganitong paraan. Ang scammer ay maaring may ipakita sayong pekeng video o screenshots na nagpapakitang nagawa na niya ito dati at ipapakita pa ang powers nito gamit ang trade engine ang mga powers nya na may pares na tag 2 o 3. Laging tatandaan na "HINDI" at hindi kailanman magiging posible ito dahil ni sino man ay walang kaya lumikha ng madaming xats/days/powers gaya ng gusto nila- kinakailangan itong bilihin. Ang mga ilang katanungan upang tanungin ang sarili:

  • "Bakit ang user na ito ay nagkakaroon ng problema doblehin ang aking mga bagay kung hindi siya makakatanggap ng kahit ano?"
  • "Kapag tumitingin ako sa kapangyarihan ng scammer na ito, bakit hindi siya nagkakaroon ng 99,999 sa bawat kapangyarihan kung mayroon syang kakayahan na makapag doble ng kapangyarihan?"

Ang paghiram ng mga powers

Ang ilang mga tao ay nais na humiram ng iyong power para sa isang minuto, at magpasya kang sapat na pagkatiwalaan at ipahiram ito sa kanila. Itinakbo nila ang iyong power, at hindi mo na sila makikita kahit kailan. Manyaring tandaan na hindi sinusuportahan ng xat ang pagpapahiram ng mga powers. Kapag nagpasya kang magpahiran ng power, maaari kang humingi ng xats kapalit nito. Kapag gusto nila hiramin ang iyong purple, pagbayarin mo sila ng buong presyo, at ibalik sa kanila kapag ibalik sa iyo ang iyong purple. Ito ay inaasahan na tatapusin ang pagtatangkang scam.

Ang xat staff ay nanghihiram ng powers

May mga ibang user na nagpapanggap na sila ay xat staff para maka kuha ng powers. Minsan sinsabi nilang "Kinakailangang kunin ang purple power o ang iyong account ay ma-glitched at kung ito ay nadelete, mawawala ang lahat ng powers na mayroon ka" Sasabihin din nilang kailangan nila ng xats para subukan ang isang bagay, at kinakailangang bigyan mo sila, o i-block ka nila sa iyong account. Magtanong sa sarili

  • "Kung ikaw ay staff ng xat, bakit kailangan mo ang xats ko? Hindi ba't pwede mong i-edit ang database at makakuha ng sarili?"
  • "Ang tunay na xat staff ay mayroong ID's na 101 o mas mababa pa. Bakit hindi ka staff sa iyong xat account?"

Ang iba ay nag c-claim na ginagawa nila ito para sa isang "undercover" o gamitin ang kanilang test account. Ang staff ng xat ay kahit kailanman ay hindi gagamit ng "undercover" account para harapin ang may mga problema ng mga user o iba pang mga opisyal na negosyo.

Third-party na programa para sa libreng xats

Ang mga ibang users ay nag c-claim na mayroon silang "xats generator", at ang gusto nila ay ipagkalat ang balita na kahit sino ay maaring maka kuha ng every power. Parang parehas ng pag dodoble ng xats pataas, kinakailangan mo tanungin ang sarili mo sa mga sumusunod:

  • "Bakit wala silang madaming powers para sa sarili nila?"
  • "Kung sa dinami-dami ng tao, ako ang napili nila para magkaroon ng unlimited xats, bakit di nalang nila ako pasahan ng ilang milyon? Bakit kailangan pang magdownload ng isang programa?"

Pagbili ng IDs

Hindi sinusuportahan ng xats ang paglilipat ng mga ID. Kung gusto mong bumili ng ID, siguruhing pinagkakatiwalaan mo ang user na nagbebenta nito. Kung ipinagbibili nila ang isang ID nang masyadong mura, malaki ang pag-asang hindi ito umiiral at isang scam. Gamitin ang http://xat.com/web_gear/chat/register.php?UserId=123& at palitan ang "123" ng numero ng ID at sasabihin nito kung hindi totoo ang ID.

Huwag ka dapat bumili ng ID na nakarehistro na, kahit sabihin pa ng kabilang panig na ibibigay nila ang email sa account na ito. Laging siguraduhing makukuha mo ang link para sa pagrerehisto upang marehistro ito sa ilalim ng iyong sariling email address.

Kung ikaw ay nagdelete/bumili ng ID, minumungkahing irehistro itong muli bago pa ito mawala at makuha ng ibang maaaring magrehistro nito.

Pekeng mga xat sites

Tatangkain ng mga users na gumawa ng mga xat sites upang makumbinsi kang ilagay ang iyong xat password dito. Laging tandaan na ilagay LAMANG ang iyong password sa xat.com. Huwag ilalagay ang iyong password porke muka itong kaparte ng xat. Ang mga pekeng xat sites ay sumasaklaw mula sa pahina ng powers, mga botohang sites at pahina ng login.

Maaaring makita nang hindi pa sa: Phishing.

Pandaraya sa Kalakalan

Ang mga user ay maaaring gumawa ka ng isang alok, at pagkatapos ay bawasan ang halaga na inaalok sa huling minuto. Halimbawa, Sa halip na 1200 xats, nag-type sila ng 120 xats. Palaging tiyakin na ang presyo na ipinapakita sa trade aplikasyon ay tumutugma sa mga napagkasunduang presyo bago mag-click sa 'Accept/Confirm trade'.

Maging maingat sa pagbili ng EveryPower o AllPowers, Dahil maaaring hindi isama ng nagbebenta ang lahat ng mga power na dapat nilang isama. Gamitin ang artikulong Powers upang suriin ang lahat ng mga power kung naroon bago ka magpatuloy sa kalakalan. Ang mga kapangyarihan na kinakailangan para sa AllPowers ay minarkahan ng isang rocket.

Kapaki-pakinabang na mga tip

Ang pagkuha ng tamang screenshots

Ito ang pinakamahusay na paraan para kumuha ng screenshot sa isang transaksyon na nagaganap kung saan pinaghihinalaan mo na maari kang subukang i-scam. Dapat ay mayroon kang isang buong screenshot ng chat at isa pang screenshot na kapag na click mo ang user at ang kanilang id at ang mga mensahe ay nakikita.

Ano ang aking gagawin kung may gustong sumubok na dayain ako?

Isumbong sila sa https://xat.com/ticket na mayroong sapat na pruweba (screenshot o video na nagpapakita ng ID). Kung nakalimutang kumuha ng pruweba, maaari pa rin magbukas ng ticket kasama ang impormasyon tungkol sa scam at ang volunteer ay maaaring tignan ang trade logs.

Tandaan: Ito ay WALANG kasiguraduhan na ikaw ay mare-refund.

Kapaki-pakinabang na mga link

Bisitahin ang mga kapaki-pakinabang na artikulo sa wiki, na nagbibigay ng karagdagang impormasyon kung papaano magiging ligtas sa xat.