Gabay para sa mga Users

From xat wiki
Jump to: navigation, search
This page is a translated version of the page Users Guide and the translation is 98% complete.

Outdated translations are marked like this.
Other languages:
العربية • ‎bosanski • ‎dansk • ‎Deutsch • ‎English • ‎español • ‎eesti • ‎suomi • ‎français • ‎magyar • ‎italiano • ‎Nederlands • ‎polski • ‎português do Brasil • ‎română • ‎shqip • ‎српски / srpski • ‎srpski (latinica)‎ • ‎svenska • ‎ไทย • ‎Tagalog • ‎Türkçe

Contents

Pagpapadala ng Mensahe

Para makapagpadala ng mensahe, mag type sa message entry box sa ibabang bahagi ng chat box. Ang mensahe ay mapapadala sa ibang tao na nasa loob ng chat room kapag iyong pipindutin ang return/enter na key.

Listahan ng Bisita

Ang listahan ng bisita ay listahan ng mga taong kasalukuyang nagchachat sa loob ng room. Bawat pangalan ay mayroong pawn sa tabi nito, at ang kulay ng pawn ang nagsasabi ng kanilang ranggo sa chat. Ang mga pawn ay:

GetStrip6.php?c=s_%28p1pwn%23%23%29_20.png
Guest
GetStrip6.php?c=s_%28p1pwn%235353bf%29_20.png
Member
GetStrip6.php?c=s_%28p1pwn%23ffffff%29_20.png
Moderator
GetStrip6.php?c=s_%28p1pwn%23ff9900%29_20.png
(Main) Owner
GetStrip6.php?c=s_%28p1pwn%23606060%29_20.png
Ignored
GetStrip6.php?c=s_%28p1pwn%23834100%29_20.png
Banned
GetStrip6.php?c=s_%28p1pwn%23ff5800%29_20.png
Available
GetStrip6.php?c=s_%28p1pwn%23000001%29_20.png
xat staff
GetStrip6.php?c=s_%28p1pwn%233dfff2%29_20.png
Celebrity
GetStrip6.php?c=s_%28p1pwn%23ff69b4%29_20.png
Pink power
GetStrip6.php?c=s_%28p1pwn%23000080%29_20.png
Blueman power
GetStrip6.php?c=s_%28p1pwn%23800080%29_20.png
Purple power
GetStrip5.php?c=S_p1gold%23_20_20_c.png
Gold power
GetStrip5.php?c=S_p1ruby%23_20_20_c.png
Ruby power
GetStrip5.php?c=S_p1emerald%23_20_20_c.png
Everypower

Kapag ikaw ay nag bibigay ng mensahe, ang gamit mong tao sa listahan ng bisita/kaibigan ay mag g-glow ng berde para palatandaan na ikaw ay nagsasalita. Kung ang iba ay nagbibigay din ng mensahe ay makikita mo din ang kanilang glow.

Kapag ang user ay puwede, ibig sabihin nito ay maaaring matanggap nila ang iyong mensahe, pero maaaring hindi ka makatanggap ng sagot.

Smilies

Ang mga smilies ay mga emoticons na maaaring idagdag sa mga mensahe. Maaari kang magdagdag ng mga smilies sa pamamagitan ng pag-click sa isa sa mga default smilies sa itaas na kahon ng mensahe, o sa pamamagitan ng direktang pag-tayp ng code para sa mga smiley. Halimbawa, :-) ay isang code para sa karaniwang smiley. Mayroong mga napakaraming dagdag na mga smilies that hindi bahagi ng karaniwang ayos, na maaaring makita sa free smilies pahina.

Anumang oras na ikaw ay na pahinang chat, ay gusto mong magpakita ng buong listahan ng mga smilies (maliban sa mga subscriber smilies), timingin sa kaliwa ng chat box, at sa taas ng pulang x ay isang maliit na icon na may apat na maliliit na smilies. Ang pag-click sa icon na ito ay magdadala sa listahan ng mga smilies. Simpleng mag-click sa smiley at ang code ng smiley ay lalabas sa iyong tekstong box. Kung gusto mong makita ang code, puwede mong mano-mano itype ito, mah-hover sa smiley na gusto mong code.

Mayroon rin ilang mga smiley codes. Narito ang listihan:

  • :), :-) - (smile)
  • :d - (biggrin)
  • ;), ;-) - (wink)
  • :o, :-o - (eek)
  • :p - (tongue)
  • 8-) - (cool)
  • :@ - (mad)
  • :s - (confused)
  • :$ - (redface)
  • :(, :-( - (frown)
  • :'( - (crying)
  • |-) - (sleepy)
  • :|, :-| - (rolleyes)
  • :-* - N/A
  • :[, :-[ - (vampire)

Kung ikaw ay mayroong mga ideya para sa bagong smiley, mangyaring gumawa ng isang suhestyon sa forums o isumite ito sa isa sa mga smiley makers at ipakita ang larawan na maaring maging kung posible.

Mga Audies

Audies ay mga epektong tunog na maaaring madagdag sa mga mensahe. Ang isang audie na ipinadala sa pamamagitan ng paggamit ng # kasunod ng pangalan ng tunod. Hal. #raspberry, #giddy, #ohh. Ito ay lalabas bilang tunog na icon sa mensahe at tutunog kapag ang mensahe ay idinisple. Ito ay maaaring mapatunog muli sa pamamagitan ng pagki-click dito. Makakahanap ka ng higit isang daang mga ito dito. Tandaan na ang mga user na mayroon chatbox na naka-mute, o mayroong [[1]] na power, ay hindi makakarinig ng mga audies. I-tsek ang [[2]] para sa karagdagang impormasyon.

Mga grupong may Tab

Ang may-ari ng chat box kung nasaan ka ay maaring mag dagdag ng chat group sa kanilang chat box. Ito ay lilitaw bilang pangalawang tab kasunod ng main tab. Ang chat group ay bahaging chat room na ginawa para sa kadahilanan. Ito'y maaring:

  • Upang talakayin ang isang partikular na paksa (e.g. musika, anime, surfing, computer, laro)
  • Para sa isang tiyak na pangkat ng edad o uri ng tao e.g. 20 bagay, mga estudyante
  • Para sa isang tiyak na bansa o wika


Maaari mo ring i-access ang mga pangkat chat nang direkta sa pamamagitan ng pag-click sa berdeng speech bubble sa ibabang kaliwa ng chatbox. Kung nais mong maghanap ng mas maraming mga grupong chat, subukang itsek ang Groups page.

Pag patay ng tunog at radyo Pagbukas/Pagsara

Maaari mong i-tun on at off ang chatbox na mga tunog sa pamamagitan ng pagki-click sa speaker na icon sa babang kanan ng chatbox. Ang hindi pinaganang tanda ay lalabas sa oras na ito ay i-click. Upang i-turn on muli, i-click itong muli. Kung gusto mong itaas o ibaba ang mga tunog, i-hover ang iyong cursor sa speaker, pagkatapos igalaw ang arrow pataas o pababa upang itaas o ibaba ang volume. Kung ikaw ang main owner ng grupong chat, maaari mong itakda ang lahat ng default na mga tunog sa pag-on at off sa pamamagitan ng pagki-click sa "Edit Your Chat" na buton sa ibabang kanan ng iyong chatbox. Pagkatapos at pumunta sa "Extra Features", mag-scroll pababa at makikita mo ang "Default chat box na mga tunog para i-OFF." I-tsek ang kahon na kasunod nito, mag-scroll pababa ay i-click ang "Upadate these Options."

Kung ang chat ay mayroong istasyon ng radyo, maari mong i-click ang icon na radyo para i-on o i-off ito. Maaari mong isaayos ang volume sa parehong paraan na nagagawa mo sa mga tunog ng chat. Kung ikaw ay main owner, i-click ang "Edit Your Chat" pagkatapos "Extra Features" upang itakda ang istasyon ng radyo. Magbasa nh higit pa tungkol pa pagtatakda ng istasyon ng radio dito.

Mag-Sign In/Out

Para maka-sign out sa chat box, pindutin ang Sign Out button, ikaw ay makikita sa user list na offline at hindi makakakita o makakatanggap ng kahit anong mensahe hanggang sa pindutin mo ang Sign In o i-refresh ang pahina.

Pagtanggap/Pagpapadala ng Pribadong Mensahe

Ang pribadong mensahe ay lilitaw sa chat window pero makikita lamang ito ng isang tao. Ito ay parang isang room na puno ng tao at bumubulong sa isang tao na gusto mo malamang makarinig. Kung may makikita kang mensahe at mayroong gold padlock sa nakasunod dito, ang taong iyon ay nag padala sa iyo ng pribadong mensahe na ikaw lamang ang makakakita. Maaari mong hilingin na ikaw ay sumagot sa mensaheng ito sa pagse-send sa kanila ng pribadong tugon.

Upang makapag padala ng pribadong mensahe sa ibang user, i-click ang kanilang pangalan alinman sa kanilang pangalan sa chat list o visitor list. Sa menu ay mayroong mag po-popout, at may nakalagay na *Private Message* at may malaking padlock ay lilitaw sa kaliwang bahagi ng text box. Ito ay nagpapahiwatig na ang susunod na mensaheng iyong maipapadala ay magiging pribadong mensahe.

Simula/Pagtugon sa Pribadong Chat

Ang isang pribadong chat ay isang pakikipag-usap ng dalawang tao lamang; ito ay tulad ng nag-iiwan ng isang silid na puno ng mga tao at maghahanap ng isang pribadong kuwarto para makipag-usap. Kapag kayo ay nagpadala ng isang pribadong mensahe sa chat ang isang tab ay lilitaw na may pangalan ng mga nagpapadala sa ito sa ilalim ng mensahe window. Ito ay magpa-flash upang ipahiwatig na mayroong isang bagong mensahe at mga speech bubble ay mananatiling berde kung ito'y hindi mo pa nababasa. Mag-click sa tab na at ikaw ay sa isang pribadong chat kasama ang taong iyon. Habang ikaw ay nakakaranas ng isang pribadong chat kasama ang isang tao maaari mo ring makita sa main room at iba pang mga pribadong chat flashing at natitirang berde upang ipahiwatig na mayroong bagong mensahe o hindi pa nababasang mensahe. Maaari kang lumipat sa pagitan ng mga ito at panatilihin ang mga pag-uusap na may ilang mga tao nang sabay-sabay kung gusto mo. Kapag natapos mo na ang pakikipagusap sa pribadong tab ay maaari ka nang lumipat ng chat sa ibabaw ng tab at pindutin ang pulang x na lumilitaw upang isara ito.

Ikaw ba ay na a-Auto Signed out?

Kung hindi ka pa nakakapag type ng isang mensahe sa higit na 15 minuto, ang chat box ay awtomatikong isa-sign out ka. Upang mag-sign in muli pabalik Pindutin angSign In sa kanang ibaba. Ang mga owners at mga moderator ay hindi awtomatikong masa-signed out, kaya dapat ay magpaalam silang aalis kung sila ay aalis para maiwasan ang mga bisita na maguluhan kung bakit hindi ka nakakasagot.

Ikaw ba ay nasipa?

Kung ikaw ay nasipa sa chat box, kinakailangan mong mag Sign In ulit kung nanaiisin mong ulitin ang pakikipag chat. Mayroong impormasyon na magsasabi sa lahat kung sino ang nasipa, sino ang nanipa at ang rason kung bakit nasipa. Magiging "Gagged" (Hindi makakapag salita sa chat) ng 15 segundo pagkatapos masipa.

Ikaw ba ay na Banned?

Kung ikaw ay na banned sa chat box, ikaw ay makakatanggap ng impormasyon at ang icon mo sa user list ay magiging kulay kayumanggi at mapapalitan ang pangalan mo bilang "Banned". Maaari mo pa din makita ang mga mensahe ng ibang tao na nasa room pero hindi makakatanggap ng mensahe galing sayo. (Ito ay inaapply kung ang chat ay walang Banish o Banpool nakatalaga), pero ang ibang tao sa chat ay hindi makakatanggap ng mensahe na sinusubukan mong ipadala. Ang ban ay maaaring para sa limitadong durasyon at kung kaya, maaari kang bumalik pagkaraan. Ang ban ay maaaring isang babala at maaaring iun-ban ka agad kung ikaw ay manatiling naka-online ng ilan pang mga sandali.

Kung ikaw ay naniniwalang hindi patas ang pagkaka ban sa iyo, dapat mong i-click ang "Report Unfair Ban" sa malaking window na lilitaw kapag nai-ban ka. Ito ay magpapadala ng mensahe sa may-ari na ikaw ay na ban, bakit sa tingin mo ay hindi ito patas. (kung nagsama ka ng mensahe), at ang iyong email (kung isinama mo ito). Kung ang ban ay naganap noong ikaw ay online ito ay magpapasa ng transcript ng kung ano ang talagang sinabi sa main chat at ikaw ay na-ban at bigyan ng creator ng chat na opsyon upang tanggalin ang pagkakapili sa mod ang taong nag ban sayo.

Ang taong nag add sayo bilang kaibigan ay makikita ang iyong Pribadong mga chat na iyong ipinadala sa kanila.

Profile Dialog

Pindutin ang pangalan sa taas ng listahan ng bisita sa bandang kanan para ma itakda ang iyong profile. Kung ikaw ang bago sa chat box, ikaw ay matatalaga na magkaroon ng kakaibang pangalan tulad ng WuggyBunch at kakaibang imahe pero madali lang itong palitan.

Paano ko mapapalitan ang aking Pangalan?

Ipasok ang pangalan sa edit box na gusto mong mag appear sa user list. Pwede kang gumamit ng smilie codes sa iyong pangalan at ito ay magiging display sa mga listahan ng bisita at kaibigan.

Paano ko mapapalitan ang aking Imahe?

Para mapalitan ang display sa iyong imahe ay maaari kang mamili ng default na imahe na iyong nakikita sa pagpindot nito. Sa tuwing ikaw ay pumili ng isa, ay makakakuha ka ulit ng panibagong mga default na mga imahe. Kung nais mong makakita ng mas maraming imahe ay mag-click ang more... na buton at sundin ang mga tagubilin. Bukod dito, maaari kang gumamit ng kahit anong larawan na gusto mo sa pagkuha ng Direktang Link ng isang imahe. (madali kang makakapag-upload ng mga imahe dito) Pagkatapos kopyahin ang Direktang Link, idikit ang link sa Picture na kahon at i-click ang OK.

Paano ko mapapalitan ang aking Home Page?

Para makapagdagdag ng homepage o mag set ng magkaiba i-enter ang link/url nito e.g. http://xat.com/Chat sa iyong homepage i-edit ang box sa gusto mong kalalabasan sa user list. Kung mayroon kang home page na naka specified kung kailanman na mag post ka ng mensahe ay mayroong maliit na bahay icon ang lalabas kasunod ng iyong pangalan. Kung mayroong mag click dito ay mabubuksan nila ang iyong homepage. Upang alisin ang isang homepage, simpleng iwanan ang homepage na blankong kahon at i-click ang OK.

Papaano ko mai-turn off ng awtomatiko ang sign in?

Kung ayaw mong makapasok ng awtomatik sa chat box at web pages na iyong ibinibisita ay maaari mong patayin ang automatically sign in. Sa iyong profile page at i-uncheck ang Sign In Automatically. Kinakailangan mong i-click ang [Sign In] sa twing ikaw ay bibisita ng chat box para lumitaw sa visitor list at sa chat. Para ibalik ang awtomatikong sign in, i-click ang iyong pangalan at i-check ulit ang box, at pindutin ang OK.

Papaano ko maire-reset ang aking ID/user data?

Kung nais mong i-reset ang iyong numero ID at pangalang screen (hindi ang iyong nakarehistrong ID o account na pangalan) mag-right sa kahit saan sa chat screen, tapos i-click ang "Settings". Pagkatapos nito, i-click ang maliit na folder icon, tapos i-click ang "Deny" at isara. Pagkatapos, mag-refresh sa pahinang chat o magpunta sa bagong pahinang chat. Ang mga epektong ito ay mangyayari. Ang paggawa nito ay magaalis ng listahan ng iyong mga kaibigan, kasama na rin ang lahat ng iyong data at status sa grupong chat na iyong binisita. Kaya kung ayaw mong mawala ang lahat ng data na nakaimbak (listahan ng iyong mga kaibigan, status, etc.) huwag mong i-reset. Kung iyong buong i-reset at mag-log ulit sa iyong nakarehistrong account at ang iyong mga kaibigan ay maaari ka parin makontak sa iyong account, pero mawawala mo ang lahat ng nakaimbak na data sa paggawa ng proseso na ito. Gawin ito sa iyong sariling peligro. Kapag ikaw ay natapo at gusto mong ang xat ay magimbak ng data muli, mag-right click sa chat screen, at sa pagkakataong ito ay i-click ang "Allow". Pagkatapos mong gawin ito, isara at ito ay magsisimulang magimbak ng data. Kahit anong oras na gusto mong i-reset ang nakaimbak na data, ulitin lamang ang paraan na ito.

Mga Subcriber

Maaari mong bisitahin ang Subscribers Guide para sa mga karagdagang impormasyon ukol sa paksang ito.

Maaari ba akong gumamit ng maramihang mga pangalan?

I-click ang iyong pangalan, sa kanang bahagi sa taas ng pop-up box ay may makikita kang *new user...* Ang pag-click dito ay magiging default na pangalan na magbabago o magpapalit sa pagitan ng ibang mga pangalan na iyong idinagdag. Maari kang magdagdag ng limang extrang pangalan. Kaya sa halip na palitan ng mano-mano ang iyong pangalan ay maari kang lumipat mula sa iba pang pangalan na iyong idinagdag. Tandaan: Hindi mo mabubura ang kahit anong ekstrang mga pangalan na iyong ginawa ng hindi nagre-reset ng iyong user dat.

Pagrerehistro

Bakit mag-rehistro?

Ang pagrerehistro ay pinapayagan kang itago ang iyong ID, status (moderator, miyembro, may-ari etc.) at ang friendlist na nasa ibang computer, o kapag tapos ng iyong cookies na madelete. Makakaroon ka rin ng xatspace, kung saan ay itong nagsisilbi bilang iyong personal na profile. Ito rin ay ginagawang imposible para sa ibang user na ikaw ay magaya, at mas madali para sa iyong mga kaibigan kung sino ka at kung ikaw ay nasa ibang computer. At hinahayaan kang makabili ng xats at days o kaya'y makatanggap nito sa pamamagitan ng transfer. Sa ibang chat ay hindi ma maaaring makasali kung hindi ka nakarehistro. Ang pangalan mo ay mas tataaas sa listahan kaysa sa mga hindi naka rehistrong users.

Paano magrehistro?

I-click ang iyong pangalan sa chat at pindutin ang "Register" button, punan ang mga kinakailangang impormasyon (Ang Email ay kinakailangang valid!) at i-submit ang form, pindutin ang activation link sa iyong email, at i-login ito gamit ang iyong email at password. Kinakailangang mag refresh sa lahat ng chat para magkaroon ng bisa ang iyong pagkaka rehistro. Kung hindi ka nakakakuha ng email ay maaaring hindi nai-deliver ng email service mo ang mail. Subukang magbukas sa Gmail account.

Paano ko mapapalitan ang aking nakarehistrong pangalan?

Tandaan: Maaaring mayroong makakuha ng luma mong nakarehistrong username kung pinalitan mo ito ng bago.

Mag-click dito at ilagay ang username na iyong inirehistro at ang password sa ankop na mga kahon. Mag-scroll pababa at i-click ang More, at sa Change Registered Username na kahon, i-type kung anong rehistradong username ang gusto mo (hanggat ito ay 10-18 na mga karakter.) Pagkatapos nito, i-click ang Change User Name (maaaring kailanganin mong mag-refresh sa kahit anong mga chat na ikaw ay naroon ng sa ganun ay umipekto.) Maaari ka lamang magpalit ng rehistradong pangalan kasa 14 days.

Papaano ako makakakuha ng maikling pangalan?

Sa halip na pagkakaroon ng rehistradong pangalan na mayroong 10-18 na karakter, maaari kang bumili ng short name. Ang Shortname ay rehistradong pangalan na may 4-9 na karakter. Ang Shortname ay nagkakahalagang hindi bababa sa 1,000 na xats. Sa makatuwid, mas maikling shortname, mas mataas ang presyo. Sa pag click dito, makikita mo ang mga presyo ng Shortname o kahit na maaaring bumili ng isa kung gusto mo.

Tingnan ang short name para sa mga karagdagang impormasyon.

Mapapanatili ba ang parehong katayuan/friendslist kung mag-login ako sa ibang computer?

Oo, ang iyong status at iyong friendlist ay mare-restored kung ikaw ay mag lo-login sa iyong naka rehistrong account sa ibang computer. Maaari kang makapag login sa http://xat.com/login.

Paano ko mapapalitan ang aking password?

I-click ang iyong pangalan sa chat at i-click ang "Register" na buton, at i-click ang Change password na tab. Ang iyong password ay dapat na hindi bababa ng 8 mga karakter ang haba at naglalaman ng mga letra (kapital at lowercase) at mga numero. Ang mas maraming mga karakter na iyong gamitin, ang mas malakas na password ito. Iwasan ang paggamit ng personal na impormasyon katulad ng iyong kaarawan, iyong pangalan, etc. Maaarig gustuhin mo ring baguhin ang iyong password kada ika 3-6 na buwan upang masigurado ang seguridad ng iyong account.

Tandaan: Espesyal na mga karakter (!@#$ etc) ay nakuha mula sa iyong password kapag nag-login ka, kaya siguraduhin lamang na gumamit ng alphanumeric na mga karakter (a-Z, 0-9).

Paano ko mapapalitan ang aking xat ID?

xat IDs ay binuo ng walang pagkakasunod-sunod. Maaari mong linisin ang iyong browser cookies upang makakakuha ng nabuong ID. Kung hindi man, maaari kang magbid sa IDs via xat auction.

Tandaan: xat ay hindi sumusuporta sa pagkakalakalan ng mga IDs.

Paano ko mapapalitan ang aking xat e-mail?

Kung gusto mong magbago ng e-mail account na kaugnay sa iyong xat account, kailangan mong gumawa ng ticket.

Note: For security reasons, you can only update to a Gmail address at this time.

Ano ang aking gagawin kapag nakalimutan ko ang aking password?

Pindutin ang iyong pangalan sa chat, i-click ang "Register" button patungo sa baba ng name card. I-click ang Lost password/username na tab. Bukod dito, maaari mong i-click ang dito o pumunta sa http://xat.com/LostPass. Kakailanganin mo ng access sa email na ginamit mo sa pagrehistro ng iyong xat account. Pagkatapos punan nag captcha, ipasok ang iyong email, at ang link ay ipapadala sa iyo. Magpunta sa iyong email at mahintay sa email na ito (ito maaaring umabot hanggang 30 minuto para dumating.) Kung ang email hindi dumating pagkatapos ng 30 minuto, i-tsek ang iyong spam/bulk na mga folders. Kapag natanggap mo ang e-mail, i-click ang link at ikaw maaaring makapag-reset ng password.

Paano burahin ang aking account?

TANDAAN: Kung sakaling gusto mong irehistro ang iyong ID sa hinaharap, i-save ang rehistrong link sa iyong ID.

1 - Pumunta sa http://xat.com/login

2 - Kapag may nakalagay na LOGIN SUCCESSFUL mag scroll down at i-click ang more na buton.

3 - Makikita mo ngayon ang opsyon na nagsasabing "Delete (ang iyong kasalukuyang gamit na username dito)".

4- I-click ang buton na iyan ay ito ay magsasabing itsek ang iyong email.

5 - Gamitin ang link sa iyong email upang mag-login at i-click ulit ang buton sa pagbura.

Ikaw ay hindi maaaring magbura ng isang account na mayroong xats/days/powers o held dito.

  • Kung irehistro mo lamang ang iyong account kailanagan mong maghintay ng 14 na araw bago mo ito mabura.
  • Panatilihin sa isipan na ang xat ay hindi sumusuporta sa pag-transfer ng mga IDs kaya kung ikaw ay nai-scammed sa proseso ng pagbebenta ng isa ang xat hindi ka matutulungan.

Interact Dialog

Upang makipag-ugnayan sa isang tao i-click ang alinman sa listahan ng mga bisita / mga kaibigan o ang kanilang mga pangalan sa isang mensaheng kanilang naipadala. Ito ay magbubukas ng isang dialog, na kung saan ay magbibigay sa iyo ng higit pang impormasyon tungkol sa mga ito at mga paraan upang makipag-ugnayan sa kanila.

Pribadong Mensahe

Ang pribadong mensahe ay maipapadala lamang sa isang tao at walang makakakita nito. Para makapagpadala ng pribadong mensahe, i-click lamang ang tao na gustong padalhan ng mensahe sa visitors/friends list o ang pangalan sa mensahe na at i-click ang Private Message. Mayroong pad lock na lilitaw sa message entry window, mag type ng mensahe ay pindutin ang enter. Kapag ang mensahe ay napadala, magkakaroon ito ng padlock at sa taong iyong pinili lamang ang makakakita nito. Para makapag padala ng panibagong mensahe ay sundan lamang ulit ang mga proseso, para magkaroon ng conversation sa private chat (tignan sa ibaba) ay mas magagamit.

Pribadong Chat

Ang isang pribadong chat ay ang pakikipag-usap sa isang hiwalay na window. Upang simulan ang isang pribadong chat mag click ng isang tao sa mga bisita o mga listahan ng mga kaibigan o ang pangalan sa isang mensahe ang isang tao ay pinadalhan at i-click ang Pribadong Chat. Ang isang tab ay may lilitaw at maglalaman ng ikaw at ang taong nais mong simulan sa isang pribadong chat na kasama. Kapag nagpadala ka ng iyong unang mensahe ang isang tab ay makikita sa kanilang chat box na kung saan maaari nilang piliin kung sasagutin ba o hindi. Tandaan: Hindi mo maaaring magagawang ma-Pribadong Chat ang isang tao kung mayroon silang NoPC na power. Maaari mong i-click ang powers para sa karagdagang mga impormasyon ukol sa mga espesyal na mga abilidad.

Idagdag bilang kaibigan

Kung gusto mong mag-add ng tao para madali mo silang mahanap at makausap, maaari mo silang i-Add bilang kaibigan. Pindutin ang taong iyon sa listahan ng mga bisita o kaya naman ang kanilang pangalan sa mensaheng kanilang ipinadala sa iyo at iclick ang Add as Friend. Sila ay lalabas sa listahan ng mga bisita nang naka-bold at lilipat sa mas mataas na posisyon ng kanilang kategorya. Sila rin ay maidadagdag sa listahan ng iyong mga kaibigan na naa-access sa pamamagitan ng pagclick ng iyong Friends tab sa ibaba ng listahan ng chat.

Kapag bumalik ka sa chat box sa ibang pagkakataon maaari kang mag-click sa iyong listahan ng kaibigan at makita kung alin sa iyong mga kaibigan ay online sa anumang chat box, hindi lang ang isa ang iyong tinitingnan. Maaari mo silang mapadalahan ng pribadong chat o pribadong mensahe mula sa iyong chat box sa kanila. Kung nagdagdag ka nila bilang isang kaibigan, maaari mong makita kung saang chat sila naroon at upang makapunta ka doon (maliban na lang kung ang user ay may NoFollow na power). Kung gusto mong mag-unfriend ng isang tao, i-click ang kanilang pangalan at i-click ang "Un-Friend."

Gaano karaming kaibigan ang kailangan kong I-add?

Maari kang mag dagdag ng mga kaibigan mo hangga't sa gusto mo ngunit walang punto ang pagdadagdag ng lahat ng taong makita mo, tangi lamang ang mga taong mayroon ng pagkakataong makausap ka ulit. Mas maraming kaibigan ang iyong inadd mas mahirap hanapin ang mga taong gusto mong makausap.

/f Magdagdag ng kaibigan gamit ang kanilang ID

Kung alam mo ang numero ID ng isang tao at gusto mong idagdag sila bilang isang kaibigan, puwede mong gamitin ang /fIDDITO na command sa chat.

Halimbawa: /f124575554 Kyle

Ito ay magdadagdag sa ID na 124575554 bilang kaibigan na may pangalang "Kyle."

Pabayaan

Upang ignorahin ang isang user: mag-click sa kanilang pangalan sa listahan ng mga bisita o kaibigan o sa kanilang pangalan sa isa sa mga mensahe ang pindutin ang "Ignore". Ang kanilang pawn ay lalabas na kulay grey sa listahan ng mga bisita. Hindi mo makikita ang kanilang mga mensahe at hindi sila makakapag-umpisa ng usapan sa iyo. Kung nais mong tanggalin ang pag-igora sa kanila at makitang muli ang kanilang mga mensahe, mag-click sa kanilang pangalan sa listahan ng mga bisita at pindutin ang "Un-Ignore". Mangyaring tandaan na ang user ay maaari lamang maignora ng hanggang 12 oras, kaya pagnatapos na ang oras ay simpleng gawin ulit ang mga hakbang sa itaas.

Maaari mo rin itayp /t sa PC para ignorahin ang isang user. Kung mayroon kang Ttth, maaari ka rin magpadala ng buong screen smiley / mensahe kasama ng pag-ignora.

Bilang isang moderator o isang owner, maaari mo pa rin makita ang mga salita ng mga naka-ignored na mga users sa pangunahing chat. Para magkaroon ng parehong epekto bilang isang miyembro at baba, pindutin ng matagal ang SHIFT bago ang pagpindut sa "Ignore".

Masamang Pakikitungo sa Pakikipagusap

Habang gumagamit ng chat box ay kinakailangang mong sumunod sa alituntunin at serbisyo ng Terms of Service. Pero mayroong tiyak na bagay na maaari mong ikonsidera ang masamang pakikitungo sa pakikipagusap ay maaaring mainis ang mga tao.

Pag flood o pag spam

Ang pag flood o spam ay ang pag ta-type ng random na numero at letra nang walang rason o paulit-ulit na pagpapadala ng link. Ito ay nakakaantala sa chat box at ipinagbabawal ng terms of service. Naiinis ang mga tao kapag nakakakita ng ganito at kung gagawin mo ito, maaari kang maban o hindi pansinin ng ninoman sa room. Ang pagsasalita ng naka CAPS, paggamit ng madaming similies o audies sa anumang paraan ay maaaring ituring bilang spam o flood. Kung gagawin mo ito ay maaari kang ma-ignore o kaya ay maban sa chat.

Pagsasalita ng mga MALAKING TITIK

Ang pagsasalita na gamit ang CAPSLOCK ay kadalasang may mga taong naiinis, ito ay ginagawa kung SINISIGAW mo ang sinasabi mo. Maaari kang mag type ng CAPS pero asahan mo na ang mga tao ay idadagdag ka sa kanilang ignore list. Ito ay magandang gamitin kung sumisigaw ka talaga.

Masyadong madaming Smilies

Ang paggamit ng smilies ay nakakapagpabuhay ng mga mensahe at ginagawang mas masaya ang isang chat ngunit kung gagawin mo ito ng paulit-ulit, maaari itong makagambala sa iba na magreresulta sa pagiging nasa listahan ng mga ignored na user ng mga tao.

Masyadong Maraming Audio Sound Effects

Ang mga kakaibang sound effect may maaaring gumawa ng isang masayang chat pero kung patuloy mo itong ipapadala ay maaarining nakakainis at sa susunod ay nasa ignore list ka na ng lahat.

Advertising

Maaari kang gumawa ng mga grupong chat o mga account na may kaugnayan sa iyong mga serbisyo sa labas ng xat.com, gayunpaman hindi ka maaaring pumunta sa iba pang mga grupong chat at i-promote ang iyong mga serbisyo. Ito ay ipinagbabawal sa Terms of Service. Sa karagdagan sa mga ito, ang iba pang mga owners ng grupong chat ay may posibilidad na hindi magustuhan ang naturang pag-uugali at ito ay maaaring humantong sa inyo na magkaroon ng isang ban mula sa mga indibidwal na grupong chat.

Paghiling na maging staff

Pagtanong para maging mataas ang ranggo sa mga chatrooms ay isang senyales na hindi mo pa ito napag-ipunan. Ang mga owners ng mga popular na chat ay madalas na nakakakuha ng mga paghiling galing sa mga tao na maging moderators/owners. Kung gusto mo maging isang miyembrong staff sa isang chatbox, kailangan mo maging aktibo sa chat, makipagkaibigan sa mga users, at piliting maging matulungin kung kailangan.

Paghingi ng mga libreng xats, days, o powers

Ang mga tao ay nagtatrabaho para sa kanilang pera, kung saan ay ginagamit nila sa pagbili ng kanilang mga produkto sa xat. Tulad ng sabi dito, ito ay malamang na hindi sila magbibigay ng produkto nila ng libre sa mga taong nanghihingi, lalo na kung hindi sila mga kilala. Ito ay inirerekomenda na iwasan mo ang panghihingi sa mga tao ng libreng mga produkto, ay maaari itong makadismaya at makapagdulot sa iyo ng pagka-banned.

Kung hindi mo magawang bumili ng iyong sariling mga produkto, o simpleng pinili mo lang, maaari kang sumali sa Game chatroom at maglaro ng mga laro para sa tyansang manalo ng xats, days, at powers bilang premyo. Mayroon din isang seksyon na dedikado sa paligsahan at kaganapan sa forum, na makikita sa dito.